• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

April opening target ng NCAA

Magdiriwang ang sports fans sa Abril sa susunod na taon dahil sabay-sabay na magbubukas ang malalaking torneo sa naturang buwan.

 

Plano rin kasi ng NCAA na simulan ang Season 96 nito sa naturang petsa sakaling maging maayos na ang lahat.

 

Makakasabay ng NCAA sa opening nito ang UAAP na una nang nagpahayag na target nitong umpisahan ang Season 83 sa naturang buwan.

 

Nakalinya rin ang PBA na puntiryang simulan ang Season 46 sa Abril 9.

 

Gayunpaman, pareho ang NCAA at UAAP sa panuntunang “no vaccine, no play” dahil prayoridad ng dalawang collegiate leagues ang kaligtasan ng lahat ng student-athletes, coaches at opisyales.

 

Pero dahil abot-kamay na ang vaccine na posibleng tumuldok sa krisis na dulot ng coronavirus disease (COVID-19), inihahanda na rin ng NCAA ang posibleng pagbabalik-aksyon nito sa 2021.

 

Kaya naman bumubuo na ng sariling bubble concept ang NCAA na posibleng gamitin nito sa Season 96 kung saan pinag-aaralang gamitin ang mga pasilidad ng mga member schools.

 

“Pwede ring school-based siya at apply natin dun ‘yung bubble principle. More or less, ganun ‘yung idea,” ani NCAA President Fr. Vic Calvo, OP ng Letran sa programang Power and Play. Nasa planning stage na ang liga.

 

Kabilang na ang pagpaplano sa apat na mandatory sports na basketball, volleyball, athletics at swimming na mga events na inaasahang tutukan ng husto sa TV coverage ng bagong broadcast partner ng NCAA na GMA-7.

 

Magiging mabusisi ang NCAA Management Committee dahil kailangan pumasa ang bubble concept nito sa standards ng Inter-Agency Task Force lalo pa’t mga student-athletes ang pinag-uusapan.

Other News
  • Increasing HPV vaccine access to reach cervical cancer elimination goals highlighted in 12th HPV Summit

    Patient groups, health experts, the academe, public sector and healthcare companies have collectively communicated the need to increase access to human papillomavirus (HPV) vaccines among teenage girls during the 12th HPV Summit titled “One Community Against HPV”.     The Summit also highlighted that HPV immunization as a preventive measure is integral as the Philippines […]

  • ‘Nangyayari ngayon sa Ukraine isang ‘senseless massacre’ – Pope Francis

    TINAWAG na “senseless massacre” ni Pope Francis ang kaguluhang nagaganap ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine.     Ipinahayag ito ng santo papa sa kanyang address at blessing sa St. Peter’s Square kasabay nang paghikayat sa mga pinuno ng international community na lubos na gumawa ng paraan upang pigilan ang kasuklam-suklam na digmaan sa […]

  • Pagkatengga ni Diaz dinokyu ng Malaysia TV

    ITINAMPOK si 2016 Rio de Janeiro Summer Olympic Games women’s weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz sa isang television program sa Malaysia kung saan siya patuloy na stranded sapul noong Marso dahil sa Covid-19.   Pero patuloy na nagti-training para mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan sa darating na Hulyo ang 29-anyos, […]