• June 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkatengga ni Diaz dinokyu ng Malaysia TV

ITINAMPOK si 2016 Rio de Janeiro Summer Olympic Games women’s weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz sa isang television program sa Malaysia kung saan siya patuloy na stranded sapul noong Marso dahil sa Covid-19.

 

Pero patuloy na nagti-training para mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan sa darating na Hulyo ang 29-anyos, may limang talampakan ang taas at tubong Zamboanga City na dalaga sa Nadi Weekend, isang segment ng programa sa telebisyon na pinamagatang “The Stranded Champion” dahil sa may anim na buwan na niyang pagkatengga sa maunlad na Muslim country.

 

“I had a TV appearance on Nadi Weekend here in Malaysia. Thank you @AstroArenaHd for the experiences. For those that didn’t watch the AstroArena Documentary “The Stranded Champion” you can watch it on YouTube,” salaysay ng sundalo ng Philippine Air Force (PAF) sa isang post nitong isang araw sa kanyang Instagram account.

 

Sa nasabing bansa inabot ng lockdown si Diaz nitong Marso kasama ang iba pang miyembro ng national weightlifting team. Patungo dapat ang koponan sa isang Olympic Qualifying Tournament (OQT) bago nagsara ang mga bansa dahil sa pandemic kaya na may anim na buwan na roon.

 

Pero tuloy naming nagpapakondisyon ang reigning Asian Games at Southeast Asian Games champion sa naturang bansa. Katunayan sumali pa siya sa isang online international lifting tournament na kanyang napagtagumpayan ilang linggo pa lang ang nakararaan.

 

Sana magkatulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC) at PAF na mapauwi na ang ating barbelista sa ‘Pinas. Kawawa rin doon si Diaz, para naman makasama ang pamilya.

 

Matagal-tagal na rin ang pamamalagi niya roon, sana huwag siyang abutin doon ng Pasko o Bagong Taon. (REC)

Other News
  • Nalungkot at pinanghinaan ng loob sa viral post na withdrawal of support ng ilang heneral at opisyal ng military

    INAMIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na labis siyang nalungkot at pinanghinaan ng loob nang makarating sa kanyang kaalaman na may ilang heneral at opisyal ang nagplano na mag-withdraw ng kanilang suporta sa kanya dahil sa kanyang posisyon sa pagsalakay ng mga tsinoy sa Philippine water.   “Talagang downhearted ako. If we cannot work together […]

  • Commuters group, dismayado sa nabiting tugon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board

    DISMAYADO ang grupong lawyers for commuters safety and protection sa pagkaka reset ng pagdinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory     Board (LTFRB) sa petisyong kumu-kwestyon sa usapin ng fare surcharge sa Transport Network Vehicle Services (TNVS).     Sinabi ni Atty. Ariel Inton, presidente ng Lawyers for Commuters Safety and Protection, na hiniling […]

  • Huwag hayaan ang dishonesty, pang-aabuso sa trabaho

    PINAALALAHANAN  ni  Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang kapulisan na magtrabaho na may integridad at huwag hayaang hindi maging tapat at abusuhin ang paggampan sa kanilang tungkulin.     Pinangunahan ni Pangulong Marcos  ang ika-121 Police Service Anniversary celebration na idinaos sa PNP Multi-Purpose Center sa Camp Crame, Quezon City.     Sa naging talumpati  ng […]