• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ARA, nadismaya na sa panahon ng pandemya ay may mga taong nais manloko

GRABE na talaga ang panahon ngayon, gagawin talaga ang lahat para lang makapanglamang o makapangloko ng kapwa.

 

 

Sa post ni Ara Mina sa kanyang IG account last week, muntik na ngang mabiktima ang mga staff sa negosyo niyang Hazelberry Cafe na kung saan may isang poser na nag-message sa apat na branches nila at nagpanggap na siya na tinatanong kung ilan ang pumasok at dadaan daw siya.

 

 

Kaya naman nag-post si Ara ng kanyang pagkadismaya sa mga taong nagbabalak ng hindi maganda.

 

 

Sa ganitong panahon ng pandemic, hindi ko lubos maisip kung bakit may nakakagawa pa ng ganitong panloloko.
     “Someone or maybe some people are attempting na lokohin at pagnakawan ang mga branches ng #Hazelberry by sending messages like these at nagpapanggap na ako. Ang galing ng mga taong ito!


     “Pero kung gagamitin nila ang galing at talino nila sa kabutihan at hindi sa kasamaan, mas magkakaron pa tayo ng pag-asang makabangon from this crisis.


     “Maliit na negosyante lang po kami, na nagsusumikap na maghanapbuhay kahit na hirap na hirap na tayo sa sitwasyon.


     “Salamat na lang sa Diyos at alisto ang mga staff namin and they know what to do sa mga kaduda-dudang pagkakataon.


     “Haaay, I want to end this lightly, pero hindi mababaw ang ganitong klaseng panloloko.


     “Anyway, sa mga kapwa ko business owners, beware of ploys such as this. Be safe, not only against the virus. @hazelberryofficial #BeSafeEveryone #MayGodBlessYou.”

 

Nag-react naman ang ilang celebrity friends na nagpakita ng suporta at ‘yun iba ay nagalit din.

 

 

Comment ni Maricar Reyes Poon, “I feel u. Nakakaawa na nakakagalit ang mga ganyan.”

 

Say naman ni Say Alonzo, “Grabe @therealaramina !!! Tinext talaga lahat!”

 

“Omg. Grabe yan Ara,” post ni Christine Bersola-Babao.

 

Reaksyon naman ni Teresa Loyzaga, “God Bless you sis @therealaramina !!! Sa dami ng mga tinutulungan mo, balak ka pang lokohin! May God bless you more!!! Ingat and ingat everyone!!! ”

 

Sabi naman ni Candy Pangilinan, “Omg! Ingat. Meron din tumawag sa mama ko yesterday asking to transfer 40k sa gcash niya at na-aksidente daw kapatid ko. Grabe talaga.” (ROHN ROMULO)

Other News
  • “Fake fishing boats” sa WPS ipinakalat ng Tsina

    KILALA ang Tsina sa buong mundo bilang manufacture ng peke o counterfeit products, mula ulo hanggang paa, kabilang na ang iba’t ibang pagkain at gamot at pagbebenta nito sa kalapit na bansa sa Asya at kaalyadong bansa.     Ngayon ay naglalagay ito ng military vessels na nagkukunwaring bangkang pangisda sa West Philippine Sea, na […]

  • Magiging matinding kalaban ni ‘Black Rider’: JON, hanga kay RURU dahil parang ‘di nasasaktan

    PAGKATAPOS ng kanyang pagganap bilang hired assassin sa ‘First Yaya’ at ‘First Lady’, binigyan ng pinakamalaking kontrabida role si Jon Lucas bilang si Calvin Magallanes sa ‘Black Rider.’       Si Jon ang magiging matinding kalaban ni Ruru Madrid sa action-serye ng GMA Public Affairs.       Ayon kay Jon, abangan daw ang […]

  • Boston, ipinatikim sa Toronto ang 54-point loss ngayong Bagong Taon

    DUMANAS ng 54-point na pagkatalo ang Toronto Raptors sa New Year match nito sa Boston Celtics, 125 – 71. Walang-awang tinambakan ng Boston ang Raptors mula pa sa unang quarter habang nililimitahan din nito ang kalaban sa 31.4% shooting gamit ang mahigpit na depensa. Sa kabuuan ng laban ay kumamada kasi ang Boston ng 14 […]