• March 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Arawang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila bumaba – OCTA

Bumaba ang average number ng bagong COVID-19 case sa National Capital Region ng 23% o 1,023 batay sa ulat ng OCTA Research group.

 

 

Ang pagbaba ng kaso ay mula noong Mayo 20-26 na may average daily attack rate na 7.41.

 

 

Una nang naiulat ng OCTA na ang NCR ay uma­lagwa na sa kundisyon mula sa pagiging isang high risk ay moderate risk area na sa COVID-19.

 

 

Samantala ang  positivity rate ay bumaba sa 10% mula Mayo 19-25, o bahagyang pagtaas sa target na mababa sa 5%.

 

 

Nakapagtala naman ang OCTA ng reproduction number na 0.52 sa nakalipas na linggo na indikasyon ng patuloy na pagdami ng nahahawa sa virus.

 

 

Nasa 42% ang healthcare utilization rate sa NCR habang ang ICU occupancy ay 57%.

 

 

Samantala,nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 6,483 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), noong Huwebes, kung kaya nasa 1,200,430 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

 

 

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

 

  • Lahat ng kaso: 1,200,430
  • Nagpapagaling pa: 48,109, o 4% ng total infections
  • Kagagaling lang: 4,335, dahilan para maging 1,131,942 na lahat ng gumagaling 
  • Kamamatay lang210, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 20,379 

(GENE ADSUARA)

Other News
  • ‘Nika,’ lumakas: Signal No. 2 sa 8 lugar

    BAHAGYANG lumakas ang Severe Tropical Storm Nika kasabay ng pagkilos nito pakanlurang bahagi ng Philippine Sea sa silangan ng Quezon.     Sa update ng PAGASA bandang alas-2 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo 425 kilometro ang layo sa silangan ng Infanta, Quezon.     Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa […]

  • Ginebra, Magnolia, San Miguel players negatibo sa COVID-19

    Nagnegatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang lahat ng mga manlalaro ng Barangay Ginebra, Magnolia Hotshots, at San Miguel Beermen makaraang sumailalim sa testing noong nakaraang linggo.   Ito ay batay sa naging anunsyo ni San Miguel Corporation (SMC) president and chief operating officer Ramon Ang.   Dagdag ni Ang, bagamat mahalaga ang sports sa […]

  • Robredo bukas suportahan tambalang ‘Pacquiao-Isko’ sa 2022

    Posibleng iisantabi ni Bise Presidente Leni Robredo ang pagtakbo sa panguluhan sa 2022 kung ‘yun ang mapagkakaisahan ng koalisyon ng mga oposisyon sa eleksyon sa darating na taon.     Ito nga ang ipinahiwatid ni Robredo sa panayam ng ANC, Lunes ng umaga, nang tanungin kung ano ang pagtingin niya kung sakaling maging running mates sa 2022 […]