Ginebra, Magnolia, San Miguel players negatibo sa COVID-19
- Published on June 2, 2020
- by @peoplesbalita
Nagnegatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang lahat ng mga manlalaro ng Barangay Ginebra, Magnolia Hotshots, at San Miguel Beermen makaraang sumailalim sa testing noong nakaraang linggo.
Ito ay batay sa naging anunsyo ni San Miguel Corporation (SMC) president and chief operating officer Ramon Ang.
Dagdag ni Ang, bagamat mahalaga ang sports sa bansa, kailangang ikonsidera nang husto ang pag-iingat sa COVID-19 bago pag-isipan ang pagbabalik ng contact sports.
“We defer to the government’s wisdom and decision on when team-based leagues like the PBA will return especially if people’s lives are at stake. While we all miss the PBA, we need to first create a safe environment to limit the spread of the virus,” wika ni Ang.
Maaari rin umanong makibahagi ang PBA sa mga ginagawang recovery efforts sa pamamagitan ng palagiang pagsusuri para sa lahat ng mga nasa liga.
“Our players and employees have nothing to be worried about as we have assured that they will continue to receive their salaries and health benefits. And we have constantly reminded our players as well as other employees to strictly follow health protocols during this time,” ani Ang.
Tiniyak din ng business magnate na mahigpit na ipatutupad ang mga protocols sakaling payagan na ang pagpapatuloy ng training ng mga players sa mga darating na buwan.
-
3 SUGATAN SA SUNOG SA MALABON
SUGATAN ang tatlong katao, kabilang ang isang fire volunteer habang nasa 150 pamilya naman ang nawalan ng tirahan makaraang sumiklab ang sunog sa isang residential na mga kabahayan sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Ayon kay Malabon City Fire Marshal Supt. Michael Uy, bandang alas-3 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa […]
-
DOLE pinaalalahanan ang mga employer na libre ang bakuna sa kanilang empleyado
Muling nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi dapat ibigay ng libre ng mga private company ang mga bakuna laban sa COVID-19. Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III na ipinagbabawal sa batas na ipabayad sa empleyado ang nasabing bakuna dahil sagot ito ng gobyerno. Kahit na ang mga […]
-
Tennis star Simona Halep, patuloy na nagpapagaling matapos dapuan ng COVID-19
NAGPAPAGALING na ngayon si world number two tennis star Simona Halep matapos dapuan ng coronavirus. Ayon sa 29-anyos na Romanian tennis star na nagkaroon lamang siya ng mild symptoms. Tiniyak nito sa kaniyang mga fans na masigla ang kaniyang kalusugan at agad na magbabalik sa laro kapag ito ay tuluyang gumaling na. […]