Arayi, Lim sa WNBL Draft
- Published on October 1, 2020
- by @peoplesbalita
MAY dalawang beteranang kasapi ng Philippine women’s basketball team o Gilas Pilipinas women ang nagkumpirma ng kanilang paglahok sa bagong panganak na pro Women’s National Basketball League (WNBL) Draft para sa buwang ito.
Ang isa ay si Ewon Arayi, na kasalukuyang coach ng Adamson University sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at dating miyembro ng Perlas Pilipinas na dating tawag sa Philippine quintetsquad .
At ang isa pa ay naglalarong import sa Malaysia at naging parte ng Gilas Pilipinas women’s team na nagkampeon sa 2017 Malaysia Southeast Asia Basketball Association o SEABA Championship for Women na si Alyana Lim
Kabilang ang dalawa sa mga unang nagpalista sa inaasahang aabot sa 300 kababaihan sa Draft. Didribol naman ang liga sa Enero 2021. (REC)
-
50 milyong Pinoy target bakunahan ngayong taon
Target ng gobyerno na mabakunahan ang nasa 50 milyong Filipino ngayong taon, ayon kay Secretary Vince Dizon. Sinabi ni Dizon na upang maisakatuparan ang pagbabakuna sa 50 milyong Pinoy, kailangang maturukan ang nasa 250,000 hanggang 300,000 kada araw. “We have a goal of inoculating of about 50 million Filipinos this year. […]
-
Marcial, ‘all set’ na sa kanyang pro debut sa US
All set na si Eumir Felix Marcial para sa kanyang inaabangang professional debut sa Huwebes (oras sa Pilipinas) sa Microsoft Theater sa Los Angeles, USA. Sa ginanap na official weigh-in kanina, tumimbang ng 162.4 pounds si Marcial, habang ang kanyang kalabang si Andrew Whitfield ay may timbang na 165.8 pounds. Umaasa naman ang […]
-
DOH: COVID-19 cases sa Pilipinas umakyat na sa halos 330,000
NASA halos 330,000 na ang tinamaan ng pandemic na coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, batay sa pinakabagong data ng Department of Health (DOH). Ngayong araw nag-ulat ang ahesya ng 2,825 na mga dagdag na kaso ng sakit. Kaya naman ang total ay umakyat pa sa 329,637. Nasa 12 laboratoryo ang bigo umanong makapag- submit […]