Arbitral victory ng Pilipinas noong 2016 laban sa China, isa lamang papel na maaaring itapon sa basurahan- PDu30
- Published on May 7, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang arbitral victory ng Pilipinas noong 2016 laban sa malawak na pag-angkin ng China sa West Philippine Sea na nakadulog sa United Nations ay “isa lamang papel na maaaring itapon sa basurahan.”
“Sa totoong buhay, ‘yang papel, wala ‘yan… Sa usapang bugoy, sabihin ko sa’yo, ibigay mo sa akin, sabihin ko sa’yo p_ng ina papel lang ‘yan. Itatapon ko ‘yan sa waste basket,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Miyerkules ng gabi.
Taong 2013 nang hamunin ng Pilipinas ang legal na basehan ng China para sa ‘expansive claim’ nito sa Permanent Court of Arbitration saThe Hague, Netherlands, nanalo ang Pilipinas sa kaso nito sa landmark award noong 2016 matapos na ipawalang-bisa ng tribunal ang panggigiit ng Beijing.
Tinanggihan ng China ang nasabing ruling sabay sabing ang kanilang pag-angkin ay mayroong historical basis at “indisputable.”
Samantala, muling kinastigo ni Pangulong Duterte si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, sabay sabing wala siyang balak na muling dumulog sa UN at igiit ang pagkapanalo ng Pilipinas sa China dahil pag-aaksaya lamang ito ng panahon at oras at makasisira sa magandang relasyon ng dalawang bansa.
“P—tang ina, akala ko ba Pilipino ka? Alam mo ba ang utang na loob? Do you know the dimensions of utang na loob? ‘Yong utang na loob, iba ‘yong away. Ito—para tayong nandiyan na neighbor nila na naghirap, tinulungan tayo, so sinabi ko salamat. May utang na loob tayo,” ayon kay Pangulong Duterte.
Sinabi pa ng Chief Executive na kinausap niya si President Xi Jinping at sinabi niya sa Chinese leader na isang araw, “he will go to where his oil is in the West Philippine Sea.”
Sinagot naman siya ni Xi na huwag niyang gagawin ito dahil “there might be trouble.”
“Sabi niya, whatever your claim is, ‘wag mong gawin ‘yan. ‘Why?’ He whispers na, ‘Do not do that because there might be trouble,” ayon kay Pangulong Duterte.
Dahil sa sinabi aniya ni Xi, ay naisip niya na hindi na hindi na mahalaga ang UN.
“So magpunta ka man ng United Nations, magpunta ka man ng America, magpunta ka saan mang impyerno kung gusto mo ng tulong, pagdating mo papel ang dala mo o anong gusto mo? Trouble is away ‘yan,” anito.
“Ipadala ko mga Navy ko doon, for what? Ipadala ko mga coast guard doon, for them to die? ‘Di akong gagong ganoon. Why would I waste Filipino soldiers’ lives?” dagdag na pahayag nito.
Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na kailangan na maimbestigahan si Del Rosario, dahil ipinag-utos nito sa Philippine Coast Guard na umalis sa West Philippine Sea.
“Bakit mo pinaatras? Kaninong permission? Ngayon kung wala kang maibigay, p—tang ina mo ‘wag mong ibigay sa akin ‘yong kasalanan mo. One day you will be tasked to answer for that,” ayon kay Pangulong Duterte.
Bukod kay del Rosario ay kinaastigo rin ng Pangulo si dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, at hinamon pa niya ito sa isang debate.
“Itong Carpio naman sulat nang sulat ng desisyon para sa kaniyang utak lang. Isa ring ugok. Pareho naman tayong abogado, gusto mo magdebate tayo?Dalawa, tatlong tanong lang ako. Sino ang nagpa-retreat at anong ginawa ninyo after sa retreat?” ang pahayag ng Pangulo.
Tiniyak ng Chief Executive na handa siyang magbitiw sa pwesto kapag napatunayan na fake news o gawa-gawa lamang niya ang istorya ukol sa Scarborough Shoal standoff.
“Maski sinong abogado tanungin ninyo, ‘yan ang nangyari. Ngayon kung ako ay nagsisinungaling, mag-resign ako bukas kaagad. ‘Yan ang garantiya ko sa inyo,” anito. (Daris Jose)
-
PDu30, pinasalamatan si President Putin para sa 15k doses ng SputnikV
PINASALAMATAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Russian President Vladimir Putin para sa delivery o paghahatid ng inisyal na 15,000 doses ng Sputnik V Covid-19 vaccines sa Pilipinas. “With the added shipments arriving from Russia, let me thank the Russian people, the government and President Putin for their kind-hearted support for the Filipinos,” ayon […]
-
Zubiri, bagong Senate president ng 19th Congress
OPISYAL nang nailuklok bilang bagong Senate President si Senator Juan Miguel Zubiri. Ito ay matapos na iboto ng 20 mga senador si Zubiri bilang bagong Senate President sa unang sesyon ng muling pagbubukas ng 19th Congress ngayong araw. Ngunit sinabi naman ng magkapatid na senador na sina Alan Peter Cayetano at […]
-
4 todas sa sunog sa printing office sa Valenzuela
NASAWI ang apat manggagawang kalalakihan sa isang printing office matapos sumiklab ang sunog sa kanilang tanggapan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Hindi muna pinangalanan ni Valenzuela Fire Marshal Supt. Ana Mae Legaspi ang apat na nasawing trabahador na na-trap makaraang sumiklab ang sunog sa pinaglilingkurang Printing Press sa 2067 Lamesa St. Brgy. […]