SC Chief Justice Peralta, kinumpirma ang early retirement sa 2021
- Published on December 3, 2020
- by @peoplesbalita
Nagpadala nang sulat si Supreme Court (SC) Chief Justice Diosdado Peralta sa kanyang mga kasamahang mahistrado para iparating ang kanyang early retirement o mas maagang pagreretiro.
Batay sa mapagkakatiwalaang source ng Bombo Radyp Philippines, nakasaad daw sa sulat na maghahain ito ng early retirement sa Marso 27, 2021 o sa kanyang ika-69 na kaarawan.
Wala naman itong ibinigay na rason sa kanyang maagang pagreretiro.
Si Peralta na na-appoint noong nakaraang taon ay sa 2022 pa sana nakatakdang magretiro sa mandatory retirement na 70-anyos.
Samantala naglabas na rin ng statemen si Supreme Court spokesman Bryan Keith Hosaka upang kumpirmahin ang naging statement Peralta.
“For those asking about the purported letter of Chief Justice Diosdado Peralta to his colleagues in the Supreme Court, signifying his intention to avail of early retirement, I have asked him personally and he confirmed it,” ani Hosaka sa media statement. “The Chief Justice did not elaborate further but said that he will make a formal announcement in due time. Thank you.” (ARA ROMERO)
-
DILG, ipinag-utos sa LGUs na magsumite ng ‘No POGO’ certificates sa katapusan ng Enero
BINIGYAN ng go signal ng Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan at mga pulis na inspeksyunin ang mga commercial buildings na saklaw ng business permits at maging ang mga residencial sa kanilang hurisdiksyon upang ma-check kung sumunod sa total ban ng gobyerno sa POGOs (Philippine Overseas Gaming Operations). Sinabi ni DILG […]
-
Gobyerno, handang suportahan ang mga biktima ng Bulkang ‘KANLAON’ – PBBM
SINIMULAN na ng gobyerno ang pamamahagi ng food packs at iba pang tulong sa 80,000 residente na apektado ng pagputok ng Mt. Kanlaon, araw ng Lunes. Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakahanda ang pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya. Sa katunayan, bumiyahe na si Department of […]
-
Pontillas dagdag lakas sa Sta. Lucia Lady Realtors
NADAGDAGAN ng armas ang Sta. Lucia Lady sa nalalapit na pagbubukas ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Mayo sa pag-anib ni dating Philippine Super Liga (PSL) star Aiza Maizo-Pontillas. Isiniwalat nitong Biyernes ng Lady Realtors ang paglambat sa bagong sandala na aayuda kina stalwarts Mika Aereen Reyes, Shiela Marie ‘Bang’ Pineda […]