• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ARCHDIOCESE NG LIPA, NAGLABAS NG GUIDELINES SA MGA TAAL EVACUEES

NAGLABAS  ng panuntunan ang Archdiocese of Lipa para sa mga parokya na muling tumanggap ng mga evacuees matapos itaas sa alert level 3 ang bulkang taal.

 

 

Batay sa inilabas ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission o LASAC, hinikayat nito ang mga parokya na maglaan ng silid para mga pamilyang posibleng mapalikas.

 

 

Pinaalalahan ang mga parokya sa pagpapatupad ng mga health guidelines at protocols kasabay ng pagtanggap sa mga evacuees.

 

 

Sinasabing dapat ay may 20 metro kwadrado na pagitan ang bawat pamilya na may 3 hanggang 5 miyembro habang inatasan din ang mga Simbahan na maglaan ng maayos na palikuran at sanitation booth.

 

 

Kaugnay nito, pinayuhan din ng Arkidiyosesis na maghanda ang mga Parokya ng sapat na food and non food items at nakahandang tumugon ang tanggapan ng LASAC sakaling magkaroon ng kakulangan nito.

 

 

Naka antabay din ang Simbahan sa mga posibilidad na maaring maging epekto ng pag-aalburoto ng bulkang Taal.

 

 

Una nang binuksan para sa mga evacuees ang parokya ng Our Lady of Miraculous Medal sa Agoncillo, Batangas.

 

 

Batay sa datos nasa 14,000 residente na ang apektado ng paglikas mula ng itaas ng PHILVOCS ang alert level 3 sa bulkan.

 

 

Magugunitang Enero ng taong 2020 nang huling pumutok ang bulkang taal kung saan tinatayang nasa mahigit 235,655 na pamilya ang naapektuhan. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Presidenstial aspirant Yorme Isko Moreno, suportado ng Cebuanos

    LIBO-libong supporters ang sumalubong kay Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Cebu sa kanyang pagbisita sa nasabing lalawigan bilang bahagi ng kanyang “listening tour” na nakatutok sa mga pangkaraniwang tao. Hindi magiging ganap ang pagdalaw ng alkalde sa Cebu kung hindi matitikman ang malutong at masarap na Cebu lechon.     […]

  • ‘Akyat-bahay’ utas, 2 parak sugatan sa engkuwentro

    UTAS ang isang hinihinalang “akyat bahay” suspek matapos umanong tumangging sumuko sa mga pulis habang nakikipag-agawan ng baril sa alagad ng batas sa Quezon City kahapon (Biyernes) ng madaling araw.   Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Ronnie S Montejo ang nasawing suspek base sa kanyang drivers license at brgy. […]

  • China dumipensa sa panghaharang sa PCG vessel, giit na teritoryo daw nila ang Panatag Shoal

    DUMIPENSA ang Chinese foreign misnistry sa panibagong kontrobersyang kinasangkutan ng isang barko nila na nagsagawa ng close distance maneuvering sa Philippine Coast Guard (PCG) vessel sa bisinidad ng Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea noong unang linggo ng Marso ng taong ito.     Ayon sa China ang naturang parte ng karagatan ay bahagi […]