• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ardina, Guce babalik-palo sa 16th SymetraTour 2021

KAPWA balik-kayod sa 16th Symetra Tour 2021 sina Dottie Ardina at Clarissmon Guce sa paghampas sa 16th Symetra Tour 2021 fourth leg $200K 1st Copper Rock Championship sa Copper Rock Golf Course sa Hurricane, Utah sa Abril 23-25.

 

 

Galing lang ang edad 27, 5-2 ang taas, isinilang sa Canlubang, Laguna at pitong taong beterana ng ST, sa 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 sixth leg – $2M 10th Lotte Championship sa Kapolei Golf Club sa Hawaii na rito’y nagmintis siya sa finals nitong Abr. 14-17.

 

 

Unang salang ni Ardina sa LPGAT sa taong ang Lotte golfest, samantalang pangatlong torneo na ang Copper sa ‘Road to the LPGA Tour’. Sablay siya sa cut sa opening leg Carlisle Arizona Women’s Golf Classic noong Marso 18-21 at tumabla sa fifth place sa second leg IOA Championship sa California nitong Mar. 26-28 para makapagsubi ng $4,558 (₱221K).

 

 

Magiging ikaapat na kompetisyon naman ang Copper sa 30-taong-gulang na Pinay ring si Guce, pero nakabase na sa Estados Unidos makaraang tumabla sa 1st Casino Del Sol Golf Classic sa Arizona at magrasyahan ng $993K (P48K).

 

 

Kumabyos din siya sa finale sa unang dalawang yugto ng ST kagaya ni Ardina. (REC)

Other News
  • General at colonels na nakapagsumite na ng courtesy resignation, sasailalim sa lifestyle check

    INIHAYAG ng Philippine National Police na sasailalim sa lifestyle check ang mga general at colonel ng pulisya na nagsumite na ng kanilang courtesy resignation.     Ayon kay Philippine National Police Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ang lifestyle check ay bahagi ng pagsisikap ng five-man committee na magsusuri sa courtesy resignations at magrerekomenda kay […]

  • Walang report ng destab plot sa hanay ng mga aktibong pulis laban sa kanya

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang report ukol sa mga aktibong police officials ang kasama sa nagpa-planong patalsikin siya sa puwesto.     Nauna rito, sinabi ni dating Senador Antonio Trillanes IV na may ilang retirado at aktibong high-ranking officials mula sa Philippine National Police (PNP) ang nangungumbinsi umano sa kanilang hanay para […]

  • Pinas, makakatanggap ng $250-M loan

    NAKATAKDANG tumanggap ang gobyerno ng Pilipinas ng $250 million na bagong loans o utang mula sa Asian Development Bank (ADB) para gamiting pambili ng COVID-19 vaccine.   Inanunsyo ng ADB, araw ng Lunes na inaprubahan nito ang loan agreement, pinapayagan ang Pilipinas na bumili ng 40 milyong karagdagang doses ng COVID-10 vaccines para sa mga […]