• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ardina, Pagdanganan pasok sa Cambia finals

PAREHONG nagsumite sina veteran Dottie Ardina at rookie Bianca Pagdanganan ng even-par 72 upang pumasok sa 80 sa cutoff at nakasigurado na ng cash prizes sa penultimate playdate nitong Linggo (oras sa Maynila) ng Cambia Portland Classic sa Columbia Edgewater Macan Course sa Oregon.

 

Kaya lang buhat mula 16-way tie sa 23rd place sa opener, nahulog ang dalawang pambato ng Pilipinas sa world’s premier golfest sa 13 magkakatabla sa sa ika-43 puwesto, nakaiwas sa 61 mga nabaklas na sa napaigsi ng isang araw na kompetisyon dahil sa sunod sa Pacific Northwest.

 

Wala na ring tsansa para sa kampeonato sina Ardina at Pagdanganan sa 142s dahil buhat sa pagkaiwan sa apat na palo nitong Biyernes, nabaon sila sa 10 strokes sa bagong lider na si Mel Reid ng England na may 65-132, abante ng isa sa humihinga sa batok niyang si first round co-leader Hannah Green ng Australia.

 

Ang torneo ay 10th leg na ng United States 71st Ladies Professional Golf Association (LPGA) 2020 na pinaigsi sa taong ito ng Covid-19. (REC)

Other News
  • Lacuna: Unang babaeng alkalde ng Maynila

    GUMAWA ng kasaysayan si incumbent Vice Mayor Honey Lacuna makaraang maiproklama kahapon na unang babaeng alkalde ng siyudad ng Maynila.     Pasado alas-7 ng gabi nang ideklara ng local board of canvassers ng Comelec si Lacuna bilang nagwagi sa ­mayoralty race sa Session Hall ng Sangguniang Panglungsod.     Iprinoklama rin ang bagong Bise […]

  • Usad-pagong na pagbangon ng ekonomiya, nagtulak kay PDu30 para sang-ayunan ang hakbang ng IATF

    ANG usad-pagong na economic recovery ng bansa ang dahilan para sang- ayunan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pasya ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagbubukas ng iba pang mga negosyo simula ngayong araw na ito.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, naiintindihan ni Pangulong Duterte ang sitwasyon at pinag- isipan ng Punong Ehekutibo […]

  • Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco ang pamamahagi ng Ayuda para sa Kapos Ang kita Program o AKAP

    BUMISITA at kinamusta nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco ang pamamahagi ng Ayuda para sa Kapos Ang kita Program o AKAP kung saan nasa 1,038 rehistradong PWDs ang nakatanggap ng P3,000 tulong pinansyal. Nagpasalamat naman ang Tiangco Brother’s kay Pangulong Bongbong Marcos, House Speaker Martin Romualdez at Department of Social Welfare and […]