• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ardina, Pagdanganan sali sa Women’s PGA

NAKAPASOK sina Dottie Ardina at Bianca Pagdanganan ng Pilipinas sa susunod na major event ng United States 71 st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020 na $3.4M KPMG Women’s PGA Championship sa Oktubre 8-11 sa sa Aronimink Golf Club sa Newtown Square, Pennsylvania.

 

Pases nila ang kasalukyang katayuan sa LPGA money lists na rito’y nasa ika-90 si veteran Canlubang pro Ardina na may $50,272 sa pitong torneo na ngayong taon, samantalang ang si Quezon City rookie Pagdanganan ay may $18,944 sa apat na kompetisyon na lahat ay napasahan niya ang cutoff.

 

Pang-apat na world majors na ito ni Ardina, 26, makalipas sa 44 th British Open 2020 sa Scotland noong Agosto na naglagak sa kanya sa ika-64 na puwesto, 74 th US Women’s Open 2019 na tinapos niyang 62 nd ang kalagayan, at sa 65 th US Women’s PGA Championship 2019 kung saan hindi siya na-cut.

 

Buwenamanong major pa lang ito sa batang karera ng 22-taon na si Pagdanganan na ang best finish ay sa una niyang kompetion na LPGA Drive On Championship kung saan28 th place siya. (REC)

Other News
  • Cancer survivor pens open letter to PBBM: ‘Give importance to cervical cancer’

    Reggie Mutia Lambo Drilon, cervical cancer survivor, outspoken patient rights advocate, and current president of the Cancer Survivors Organization at the Philippine General Hospital (PGH), is calling the attention of President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. to the plight of cancer patients, particularly female patients battling cervical cancer who are highly dependent on the government’s cancer health […]

  • PAPAKONDISYON SI PAGDAGANAN

    IHAHANDA na ni Bianca Pagdaganan ang sarili para sa malaking laban sa murang propesyonal na karera sa nakatakdang $5.5M 75th US Women’s Open 2020 sa Champions Golf Club sa Houston, Texas sa Disyembre 10-13.   Magpapakondisyon ang 23-taong gulang na bagitong Pinay sa ika-16 na yugto ng 71st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020, […]

  • Competency o kakayahan, pangunahing criteria sa pagtatalaga bilang Marcos admin officials

    WALANG  palakasan at political connections sa pagtatalaga bilang  public managers ng gobyerno.   Sa katunayan, ang pagpili bilang Marcos admin  officials ay base sa  merito at kakayahan na magampanan ang kanilang  government functions.   Sa idinaos na Public Leaders’ Summit (PLS) ng Career Executive Service Board (CESB) noong nakaraang linggo, sinabi ni Executive Secretary Victor […]