• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Argentina lango pa din sa World Cup Fever

Hindi pa rin humuhupa sa Argentina ang mainit nilang pagkampeon ngayong taon ng FIFA World Cup.

 

 

Bukod sa may mga kasiyahan ay pilahan pa rin ang mga fans ng pagpapalagay ng tattoo.

 

 

Karamihan ng mga Argentinian ay nagpapatattoo ng larawan ng kanilang football star na si Lionel Messi.

 

 

Bukod aniya kay Messi ay pinapatatto nila ang trophy ng FIFA ganun din ang mukha ng goalkeeper na si Emiliano Martinez na siyang naging susi sa panalo nila kontra sa defending champion na France.

 

 

Magugunitang tinalo ng Argentina ang France sa pamamagitan ng penalty shootout dahil sa makailang beses na nagtabla ang kanilang laro kahit tapos na ang 90 minutes regulations.  (CARD)

Other News
  • Senado, sinimulan na ang debate sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund

    SINIMULAN  na ng Senado ang debate sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund bills ngayong araw.     Ang Senate Bill No. 1670 at House Bill No. 6608, mga panukalang naglalayong lumikha ng pondo, ay tinalakay ng Senate committee on banks, financial institutions and currencies.     Kabilang sa mga pinagmumulan ng seed money para sa […]

  • Showdown in Saitama: Donaire tinalo muli ng ‘The Monster’ Inoue sa rematch, inabot lang ng 2nd round

    BIGO ang Pinoy boxing champion na si Nonito Donaire na makaganti kaugnay sa rematch kontra sa Japanese superstar at undefeated na si Naoya Inoue para sa unified bantamweight title.     Ito ay makaraang bumagsak sya sa ikalawang beses sa second round nang tamaan ni Inoue gamit ang left hook. Itinigil ng referee ang laban […]

  • P11 milyong idodonate ng Valenzuela LGU sa mga biktima ni ‘Kristine’ sa Bicol Region

    Nakatakdang magpadala ng P11 milyon tulong ang Valenzuela City government sa mga sinalanta ng Bagyong Kristine sa Bicol Region partikular sa mga apektadong lungsod at munisipalidad ng Albay, Camarines Sur at Camarines Norte.     Batay sa ulat, may limang bayan sa Camarines Sur ang napuruhan ng husto ng kalamidad kung saan 106,124 pamilya o […]