• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ARJO, mukhang tuloy na tuloy na ang pagpasok sa pulitika; nagparamdam na sa District 1 ng QC

MAY nakita kaming litrato ng isang sasakyan na may pangalan ni Arjo Atayde.

 

 

May nakasulat din na pangalan ng isang konsehal sa isang parte ng sasakyan.

 

 

Does this mean na tatakbo sa election ang award-winning actor na anak nina Sylvia Sanchez at Art Atayde?

 

 

As of now ay tahimik ang kampo ni Arjo sa bagay na ito. Pero siyempre din mo maiiwasan mag-isip na he is probably running for an elected position next yesr.

 

 

Para kasi service vehicle ang dating ng sasakyan that was posted sa Facebook. Tapos may slogan pa na ‘Aksyon Agad.’ (Nag-donate siya ng service vehicles sa District 1 ng Quezon City – Ed)

 

 

Kaya maghihintay na lang muna kami for further details kung may balak na tumakbo sa 2022 si Arjo.

 

 

Sa October pa naman ang deadline ng filing ng certificate of candidacy ng mga nagnanais tumakbo.

 

 

***

MAY love scene sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas sa Gameboys The Movie pero it was tastefully done.

 

 

Sabi ni Direk Perci Intalan, they decided to put a love scene kasi ayaw naman nila i-limit ang kwento at ang progression ng character.

 

 

“Matagal na kasi hindi nagkita sina Gavreel at Cairo kaya meron na silang sexual tension. Deserve naman nila iyon dahil sa pinagdaanan nila during the pandemic. Besides, ‘yung sex is the manifestation of their love for each other,” paliwanag ni Direk Perci kung bakit may love scene na ang dalawang bida.

 

 

Sabi naman ni Kokoy, “Magkaiba kasi kami mag-express nang love namin sa isa’t-isa ni Elijah kasi sinusundan namin yung development ng characters namin. Yes, maraming kilig moments sa movie.”

 

 

“That is how the team takes care of our characters. Ano ba ang deserve ng characters based sa takbo ng kwento? Parang nag-level up na ‘yung characters naming. Sa una, pure, bliss, nandoon ang kilig pero siyempre nandoon din ang pagmamahal.”

 

 

Ready for viewing na ang Gameboys The Movie via KTX.ph at Ticket2Me. Ayon sa The IdeaFirst, fastesy-selling ang ticket ng Gameboys.

 

 

***

DAHIL magpapatupad na naman ng ECQ bunsod ng Delta Variant ng Covid, suspended na naman ang trabaho sa showbiz.

 

 

Bawal na naman ang mga tapings at shootings simula August 6 to 20. Gutom na naman ang aabutin ng mga tao, hindi lang sa mga taga-showbiz kundi even outside showbiz dahil walang trabaho.

 

 

Hindi naman magbibigay ng ayuda dahil tila iniipit ng gobyerno ang para sa ayuda. Aba, kung magdedeklara sila ng lockdown, dapat magbigay ang gobyerno ng cash at food ayuda sa apektado ng ECQ.

 

 

Suwerte yung mga programs a na in the can ay hindi na mahihirapan maghigpit man ang lockdown kasi ayos na sila.

 

 

Balik na ang showbiz sa mga zoom presscons dahil bawal muli ang face-to-face gatherings.

 

 

Sa mga daily wage earners, problem naman nila ang pang-araw-araw na gastusin. Mahirap humanap ng pera kung wala kang trabaho.

 

 

Masuwerte ang mga artista na may regular shows dahil may sweldo pa rin silang matatanggap kahit na lockdown.

 

 

Pero kung naging maayos sana ang response ng gobyerno sa laban versus Covid-19 at ang Delta variant nito, hindi sana natin problema kung magkaroon man ng lockdown.

 

 

Sana may ayuda at yung pamimigay ay hindi pinipili kung sino ang makatatanggap.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Ginang timbog sa sugal at shabu

    Balik-kulungan ang isang 45-anyos na ginang matapos makuhanan ng shabu makaraang maaresto ng mga pulis habang naglalaro ng cara y cruz sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Sa report ni SDEU investigator PSSg Carlos Irasquin Jr. kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong 6 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga […]

  • MMDA, nagpaalala sa publiko kaugnay sa matinding trapiko simula ngayong araw

    NAGPAALALA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na dapat asahan ang matinding trapiko sa 27th Asean Labor Ministers’ meeting simula Oktubre 25, ngayong araw.     Nauna nang inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang Asean event ay gaganapin hanggang Oktubre 29 sa Taguig City.     Sa pagsasagawa ng kaganapan, inaasahang […]

  • 28 bagong scholars, tinanggap ng Navotas

    MALUGOD na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang 28 bagong academic scholars para sa school year 2023-2024. Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang paglagda sa memorandum of agreement na nagbibigay ng NavotaAs Academic Scholarship sa 15 incoming high school freshmen, 11 incoming freshmen sa kolehiyo, at dalawang guro na naghahanap ng mas mataas […]