• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ginang timbog sa sugal at shabu

Balik-kulungan ang isang 45-anyos na ginang matapos makuhanan ng shabu makaraang maaresto ng mga pulis habang naglalaro ng cara y cruz sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PSSg Carlos Irasquin Jr. kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong 6 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Sub-Station 8 Ugong sa Sia Compound, Lamesa St. Brgy. Ugong nang maispatan ng mga ito ang isang grupo ng mga tao na naglalaro ng cara y cruz.

 

 

Nang mapamansin ng grupo ang presensya ng mga pulis ay mabilis nagtakbuhan ang mga ito sa magkakaibang direksyon habang nagawang maaresto ni PSSg Rodolfo Pidlaoan si Shirley Morales alyas “She” ng No. 6180 Mercado St. Gen. T. De Leon.

 

 

Nakuha ni PSMS Loreto Gabol Jr. sa lugar ang tatlong piso coin na gamit bilang ‘pangara’ at P140 bet money habang narekober sa suspek ang isang coin purse na naglalaman ng apat na plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P6,800 ang halaga, postal ID at P100 bill.

 

 

Kasong paglabag sa RA 9165 at PD 1602 ang isinampa ng pulisya sa Valenzuela City Prosecutors Office kontra sa suspek na aminadong dati na nakulong dahil sa illegal na droga.  (Richard Mesa)

Other News
  • Henry Cavill, Wants To Play The Villain Instead Of James Bond

    HENRY Cavill is interested in playing a James Bond villain.     The fifth and final entry in the Daniel Craig era of James Bond films, No Time To Die, is set to open in international markets this weekend and in the United States on October 8, 2021.     After that, the future of James Bond remains […]

  • Kai ready lang para sa Gilas Pilipinas

    Nakahanda si Kai Sotto anuman ang maging role nito sa Gilas Pilipinas na sasabak sa dalawang malalaking FIBA tournaments ngayong buwan.     Solong dumating kahapon si Sotto mula sa Amerika kung saan hindi nito kasama ang kanyang pamilya dahil sa availability sa flight.     “Walang flight for five (persons) kaya ako lang mag-isa. […]

  • Iniimbestigahan sa presinto patay

    PATAY ang isang di pa nakikilalang lalaki nang tangkain nitong barilin ang pulis na mag-iimbestiga sana sa kanya sa loob ng nag Manila Police District-Police Station 2, kamakalawa ng gabi sa Tondo,Maynila.   Inilarawan ng MPD-PS2 ang suspek na nasa edad 30-35, kayumanggi,katamtaman ang pangangatawan at may mga tattoo sa katawan, paa at braso.   […]