• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ARTA chief, susundin ang suspension order

SUSUNDIN ni Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica ang suspension order na ipinalabas ng Office of the Ombudsman sa gitna ng graft complaints laban sa kanya at sa apat na opisyal ng ARTA na isinampa ng telecommunication company.

 

 

Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang anim na buwang preventive suspension laban sa mga opisyal ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na sina Belgica, deputy director general Eduardo Bringas, division chief Sheryl Pura-Sumagui, at directors Jedrek Ng at Melamy Salvadora-Asperin

 

 

“This is to secure and guard the integrity of all documents so that we cannot influence the investigation,” ayon kay Belgica.

 

 

Ayon naman sa Ombudsman mayroong malakas na ebidensya laban sa mga respondent na inireklamo ng grave misconduct, gross neglect of duty at conduct prejudicial to the best interest of the service na maaaring magresulta sa kanilang pagkatanggal sa serbisyo.

 

 

“Thus, in order to secure the documents and to prevent possible harassment of witnesses and considering that their continued stay in office may prejudice the case filed against them, they are hereby placed under preventive suspension for a period of six months,” sabi ng utos ng Ombudsman.

 

 

Ang suspensyon ay kaugnay ng reklamong isinampa ng DITO Telecommunity Inc. sa mga opisyal ng ARTA kaugnay ng kanilang mga naging aksyon pabor sa NOW Telecom Company Inc.

 

 

Noong Setyembre 20, 2018, nagpalabas ng circular ang National Telecommunication Commission (NTC) para sa competitive selection process sa pagpili ng New Major Player (NMP) na nakuha ng DITO.

 

 

Ang NOW ay kumuha rin umano ng bidding document subalit hindi lumahok sa NMP Selection Process.

 

 

Noong Mayo 18, 2020 ay naghain umano ng reklamo ang NOW laban kay NTC Commissioner Gamaliel Cordova sa ARTA at hiniling ang automatic approval ng kanilang hiling na ibigay sa kanila ang frequency na napunta sa DITO.

 

 

Noong Marso 1, 2021, nagpalabas ang ARTA ng resolusyon at ipinag-utos ang automatic approval sa hinihinging frequency ng NOW.

 

 

Tinutulan ng DITO at NTC ang utos ng ARTA.

 

 

Sinabi ng NTC na ayon sa opinyon ng Justice Secretary ang pagdinig ng NTC ay quasi-judicial at hindi saklaw ng Automatic Approval Clause. (Daris Jose)

Other News
  • Pagdanganan papalo sa Women’s PGA

    NAKATAKDANG buksan nina rookie Bianca Pagdanganan at veteran Dottie Ardina ang kampanya sa 58th KPMG Women’s Professional Golf Association Championship 2020 sa Aronimink Golf Club sa Newtown Square, Pennsylvania kahapon (ngayon sa Pilipinas).   Buwena-manong pagtatangka ito sa majors golfng bagitong 22-anyos na taga- Quezon City na si Pagdanganan samantalang ikalawa sa taong ito at […]

  • BUS OPERATOR NA MANININGIL SA BEEP CARD, PAGMUMULTAHIN –DOTR

    PAGMUMULTAHIN ng Department of Transportation (DOTr) ang sinumang bus operator na maniningil ng karagdagang bayad sa Beep card.   “Unang-una na papatawan ng penalty dyan is ‘yung bus operators, dahil ‘yun ang kausap namin… Sila ang mananagot kasi sila ang kausap eh. Basta kami sinabi lang namin sa kanila na dapat walang bayaran ng pamasahe […]

  • Nierba sasakmal, pangil ng NU Lady Bulldogs

    HANDA na ang National University Lady Bulldogs sa pagtrangka nina Jennifer Nierva at Ivy Lacsina sa UAAP Season 82 Women’s Indoor Volleyball Tournament na nakatakda na sanang nagsimula nitong Sabado pero naatras sanhi nang panganib ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.   Magiging lider na ang dalawang veteran volleybelle na nahasa na sa mga naging […]