‘Paggamit ng laway para sa COVID-19 test, pinag-aaralan na ng DOH’
- Published on August 26, 2020
- by @peoplesbalita
Kinumpirma ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pinag-aaralan na ng DOH ang paggamit ng saliva o laway upang malaman kung carrier ng coronavirus ang isang indibidwal.
Ayon kay Vergeire, binubusisi pang mabuti ng ahensya kung magiging feasible ang ganitong test sa Pilipinas kaysa sa nakagawiang pagkuha ng nasal at blood samples.
Base kasi sa isang testing ecpert mula University of Utah Hospital, wala raw masyadong datos na nagsasabi kung gaano katagal ang inilalagi ng virus sa laway.
Nasa 3 percent daw kasi ng tests ang lumalabas na invalid kumpara sa 1 percent na ipinapakita ng swab tests.
Sa ngayon ay kumokonsulta na ang ahensya sa mga medical societies at local governments tungkol dito. Saka ito maglalabas ng guidelines hinggil sa tamang paggamit, perks at disadvantages ng test gamit ang laway. (Daris Jose)