• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Arwind Santos, masayang nagsuot ng throwback jersey!

MAGSUSUOT ng mga lumang yuniporme o throwback jersey ang defending champion San Miguel Beer sa binuksan na nitong Linggo, Oktubre 11 na 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 eliminations sa Clark Freeport and Special Economic Zone sa Angeles City, Pampanga.

 

Mga playing uniform iyon sa mga dekada 70, 80 at 90 sa panahon nina four-time Most Valuable Player Ramon Fernandez, Avelino (Samboy) Lim, Jr. , Hector Calma, at iba pa.

 

Pahapyaw na inabot na lang ang mga kasuotan ni SMB coach Leovino (Leo) Austria, pero iba o ilan ay mga ramdam pa sa kanilang likod ang mga iyon sa mga nasabing panahon ng propesyonal na liga.

 

Tanggap ni Arwind Santos na siya na ang may pinaka may edad sa kasalukuyang mga manlalaro ng Beermen sa bulang na 39 na taon.

 

“Pero wala pa aniya siyang arthritis,” natatawang pahayag ng 2013 MVP at nine-time champion sa media availability Linggo sa Quest Hotel sa Clark.

 

Nakakasasabay pa rin sa mga mas batang teammate ang SpiderMan ng PBA sa paglalambitin sa rim.

 

“Sabi ko sa mga bata, hindi pa time,” hirit ng 2006 first round, second overall pick.

 

May dagdag ang 6-foot-4 forward sa mga kababayan niya sa Pampanga na hindi napagbibigyan sa mga hiling na pa-selfie sa kanya.

 

“Humihingi rin po ako ng pasensiya sa mga kabalen ko na nag- aabang sa practice, pasensiya na po hindi namin kayo malapitan, makamusta. Alam ko ‘yung happiness, ‘yung pakiramdam na makapagpa-picture sa amin,” dugtong ng basketbolista.

 

Tiubong Angeles Santos kaya parang homecourt niya ang Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center na playing venue ng mga laro hanggang Disyembre. Hanggang Porac nga aniya, nararating sa paglalaro noon.

 

“Sa mga kabalen ko, dito kasi ako nagsimula, nag-pedicab pa ako nu’n,” panapos na tanaw-balik ni Santos. “Masaya ako para du’n dahil dito ako sumikat, dito ako nakilala. Kaluguran ko sila, sobra!” (REC)

Other News
  • RAIN WATER COLLECTION SYSTEM ILALAPAT NA SA BUONG QC

    INATASAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si City Engineer Atty. Dave Perral na mag-install at magpagana ng mga rain water collection system sa lahat ng gusaling pag-aari ng lungsod at maging sa mga pampublikong paaralan sa syudad.     Ito ay bilang bahagi ng mga inisyatiba ng Quezon City LGU para tugunan ang mga […]

  • Rematch hamon ni Holyfield, kay Tyson

    HINAMON na ni dating heavyweight boxing champion Evander Holyfield si Mike Tyson.   Sa inilabas nitong video, direktahang hinamon nito si Tyson.   Nakatakda kasing makalaban ni Tyson si Roy Jones Jr sa November 28 kaya sinabi nito na nais niya na siya ang sumunod na makalaban nito.   Lumabas din sa kampo ni Holyfield […]

  • HIRIT NI CAYETANO NA MAGBITIW SA PUWESTO, TINANGGIHAN NG MGA KONGRESISTA

    TINANGGIHAN ng mga kongresista ang hiling ni Speaker Alan Peter Cayetano na magbitiw bilang lider ng mababang kapulungan ng Kongreso.   Sa botohang naganap, 184 kongresista ang nagsabing tutol sila sa pagbibitiw ni Cayetano bilang Speaker ng Kamara, 1 naman ang pumabor at 1 abstention.   Sa kanyang privilege speech sinabi ni Cayetano na hindi […]