• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Asa Miller nabigo sa unang event na kanyang nilahukan

HINDI nagtagumpay sa giant slalom event ng 2022 Beijing Winter Olympics ang nag-iisang pambato ng bansa na si Asa Miller.

 

 

Sa loob lamang kasi ng 21 segundo ng laro ay bigla na lamang bumagsak sa kumpetisyon ang 21-anyos na Filipino-American player sa first run nito.

 

 

Dahil dito ay hindi siya nakapasok sa top 50 ng mga manlalaro na ginanap sa National Alpine Skiing Center sa Xiaohaituo Mountain, China.

 

 

Noong 2018 Pyeongchang Olympics sa Korea sa unang sabak niya sa Winter Olympics ay nagtapos lamang ito ng pang-70th place.

 

 

Itinuturing na ang naging dahilan ng hindi nito pagtapos sa karera ay dahil sa masamang panahon kung saan may ibang 32 na manlalaro ang hindi rin nagtagumpay.

 

 

Mayroon kasing 89 na skiers ang nasa starting lists pero 54 na lamang ang naka-abanse sa ikalawang round.

 

 

Nagwagi sa nasaibng kumpetisyon si Marco Odermatt ng Switzerland na mayroong isang minute 2.92 seconds sa buong course na may taas na 424 meters.

 

 

Pinaghahandaan na ni Miller ang ikalawang event na kaniyang lalahukan sa Febrero 16 sa men’s slalom.

Other News
  • NAMEMEKE NG COVID TEST BINALAAN

    MULING nagbabala ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa mga mamemeke ng mga resulta ng COVID-19 test.     Ang babala ng MPD ay kasunod ng  pagkakaaresto ng anim na indibidwal sa isang entrapment operation sa isang establisimyento sa Quiapo, Maynila kahapon.     Ayon sa pulisya, gumagawa at nagbebenta ng pekeng COVID-19 swab […]

  • 4K NAVOTEÑOS NAKATANGGAP NG TULONG PINANSYAL

    NAKATANGGAP ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ilalim ng iba’t ibang programa ang nasa 4,000 Navoteños.     May kabuuang 3,832 rehistradong mangingisda at mga driver ng tricycle de padyak at de motor ang nakakuha ng P3,000 cash subsidy mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng Department […]

  • PDu30, ipinagkibit-balikat lang ang pambabatikos ng “dating mahistrado” hinggil sa drug war

    IPINAGKIBIT-BALIKAT lang  ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte  ang mga pambabatikos at paninira ng isang “dating mahistrado”, at paglalarawan sa kanyang giyera laban sa  ilegal na droga bilang “clearly unconstitutional.”     Bagama’t hindi naman pinangalanan ni Pangulong Duterte  ang tinutukoy niyang “dating  mahistrado”,  matatandaan na kamakailan lamang ay kinumpara ni  retired Supreme Court (SC) senior […]