• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘ASAP Natin ‘To’ at ‘FPJ: Da King’ ng ABS-CBN, mapapanood na sa TV5 kaya natsugi ang show nina PIOLO at MAJA

MAPAPANOOD na ang ASAP Natin ‘To at FPJ: Da King ng ABS-CBN sa TV5.

 

So by now, mas malinaw na siguro kung bakit nawala na lang bigla ang Brightlight Production’s blocktimer show na SNL (Sunday Noontime Live) headed by Piolo Pascual and Maja Salvador.

 

Siyempre, maraming natuwa sa balitang ito kunsaan, malinaw na partnership ng ABS-CBN at TV5. Ito na ang sinasabi ng bagong Star Magic head na si Direk Lauren Dyogi na partnership o collaboration ng dalawang networks.

 

Marami ang natuwa dahil mas mapapanood na ngayon ang mga programang ito ng ABS-CBN sa mas malaking channel at nationwide ang coverage.

 

Halata rin ang saya ni Vice Ganda na napa-tweet nang, “Congratulations ABS-CBN and TV5!!!!! #BetterDays.”

 

‘Yun lang, paano na kaya ang mga naging host ng SNL na galing ng ASAP gaya nina Piolo at Maja, ia-absorb pa rin kaya sila ng ASAP now na ito na ang papalit sa time-slot nila?

 

***

 

MARAMI ang nakapanood at talagang nagustuhan ang Korean film na My Sassy Girl.

 

At ang nagwagi sa Pilipinas na actress para gumanap dito ay walang-iba kung hindi si Toni Gonzaga.

 

Siya ang nakakuha ng title role ng Philippine adaptation ng hit Korean film na My Sassy Girl na pinagbidahan ng magandang South Korean actress na si Jun Ji-Hyun (My Love from the Star).

 

Ang mismong production outfit nila na TinCan Films ang siyang magpu-produce ng movie at very proud nga ang mister ni Toni na si Direk Paul Soriano nang i-announce nito officially kasabay ng kanyang pagbati sa birthday ni Toni ng “Happy Birthday to My Sassy Girl @celestinegonzaga.”

 

Ilang bansa na rin ang nag-adapt nito tulad ng America, India, Neptali, China at iba pa. Yun nga lang, malamang ay alam ni Toni na bago pa man niya ito tinanggap, may pressure na agad dahil sa success nga ng movie at sa dami na nag-adapt.

 

Positive si Toni sa My Sassy Girl. Sa latest vlog nga niya, tinanong siya ni Direk Paul kung ano ang greatest achievement niya sa work.

 

Sey niya, “It’s hard to pick one, pero siguro yung pinaka-latest, yung My Sassy Girl. Yun siguro. First time ko napanood yung pelikula, 2006, we we’re shooting You Are The One, hindi ko makalimutan yun, nasa Pampanga kami.(ROSE GARCIA)

Other News
  • GENEVA, na-trigger kaya pinatulan ang basher na tinawag siyang ‘pangit’; ‘di talaga pinatawad kahit nagluluksa

    KAHIT nagluluksa pa si Geneva Cruz dahil sa pagpanaw ng ina na si Marilyn Mendoza Cruz na ‘di nakaligtas sa Covid-19, minabuti pa rin niyang bumalik na sa Your Face Sounds Fimiliar.     Muli ngang napanood si Geneva last Sunday sa YFSF na kung saan ginaya niya si Toni Braxton.  Sabi nga ng host […]

  • LATEST PHOTOS THAT ARE MUST-SEE SCENES IN CINEMAS IN CHRISTOPHER NOLAN’S MOST AMBITIOUS FILM TO-DATE “OPPENHEIMER” (PART 2)

    UNIVERSAL Pictures has just released the latest photos of Christopher Nolan’s latest epic film “Oppenheimer” that will open in cinemas (PH) nationwide on July 19.   The photos are so stunning that one can’t help but get excited on how it will finally roll in cinemas!  But first let’s meet the characters of “Oppenheimer” played […]

  • ‘Di nahiyang napaiyak nang makita si Key ng SHINee: SHARON, sinabihan ng netizens na ang ‘OA’ nang naging reaksyon

    MAY nabasa kaming mga comment na nagsasabing, “Ang OA!” “OA naman talaga!,” patungkol kay Megastar Sharon Cuneta.       Dahil ito sa mga nai-post, especially ng kanyang anak na si Frankie Pangilinan na pag-iyak ni Sharon nang makita na nito on stage ang isa sa hinangahangan miyembro ng South Korean boy group na Shinee […]