• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Asawa’ na raw ang tawag sa girlfriend: RAYVER, may natagong ipon na para sa dream wedding nila ni JULIE ANNE

MAY balitang “asawa” na raw ang tawag ni Rayver Cruz kay Julie Anne San Jose kaya hinihintay na lang ng JulieVer fans kung kelan magaganap ang kasal.

 

 

 

Balita rin kasi na may natagong ipon na si Rayver para sa dream wedding nila ni Julie.

 

 

 

Inamin naman ni Rayver na napag-uusapan na rin nila ni Julie ang kasal. Naghihintay na lang siya ng tamang panahon para sa gagawin niyang proposal.

 

 

 

“Thirty-four na rin naman ako and I’m not getting any younger. And for me, si Julie na talaga ang gusto kong makasama habang buhay,” diin pa ng bida ng GMA Afternoon Prime series na ‘Asawa Ng Asawa Ko.’

 

 

 

Tungkol sa pagtawag daw niya ng asawa kay Julie, ito ang nasabi ni Rayver…

 

 

 

“Nakakatawa kasi alam ko naman na ‘yan na ang itatanong ng lahat sa akin, e, especially doon sa title. Well, siyempre, hindi ko pa siya pwedeng tawaging asawa dahil hindi pa naman kami kasal.

 

 

 

“Mas gugustuhin ko po na ma-surprise si Julie. Kailangan caught off-guard siya. Gusto ko, ako ang pipili ng tamang oras. Gusto ko na ma-surprise siya,” sey pa ni Rayver.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • CIVIC ORGANIZATION NAGBIGAY NG CASH DONATION PARA SA QUEZON CITY LEARNING RECOVERY PROGRAM

    NAGBIGAY ng donasyong aabot sa 310 thousand pesos ang Rotary International District 3780 sa pamahalaang lokal ng Quezon City para sa proyekto ng lungsod na Learning Recovery Fund.     Personal na iniabot ni District Governor Florian Entiquez kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nabanggit na halaga ng donasyon bilang pagpapakita ng sinserong komitment […]

  • 2 INDIANS AT ISANG TAIWANESE NASABAT NG BI

    NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese na wanted sa kanilang lugar dahil sa droga at dalawang Indian national dahil sa paggamit ng pekeng immigration stamps.     Kinilala ni  BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. ang naarestong Taiwanese na si Lai Po Ving, 33 habang ang dalawang Indians […]

  • Bong Go: OFW Hospital legasiya, pamana ni Pangulong Duterte

    TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga Pilipinong migranteng manggagawa na patuloy ang kanyang pangako at ng kasalukuyang administrasyon na poprotektahan at uunahin ang kanilang kapakanan lalo na sa gitna ng patuloy na krisis sa kalusugan.     Ginawa ni Go ang pahayag bilang panau­hing pandangal sa “walkthrough” sa kauna-una­hang Overseas Filipino Workers (OFW) […]