ASEAN ‘looking forward’ nang makipagtrabaho sa Biden administration
- Published on January 25, 2021
- by @peoplesbalita
Handa nang makipag-trabaho ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa administrasyon ng bagong upo na si US President Joe Biden.
Sa isang press release, sinabi ng chairman ng ASEAN Foreign Ministers’ Retreat, na umaasa silang mapapalakas sa ilalim ng bagong administrasyon ang ugnayan ng kanilang hanay at Estados Unidos.
“In view of the recent inauguration of the President of the United States, Joseph R. Biden Jr. and Vice President Kamala Harris, we look forward to working with the new administration to further strengthen the strategic partnership between ASEAN and the United States (US) for the region’s peace, security, stability and prosperity.”
Kabilang sa nais palakasin ng ASEAN foreign ministers ay ang stratehiya ng rehiyon at Amerika para sa ekonomiya at COVID-19 pandemic.
“We further looked forward to our cooperation in promoting and strengthening multilateralism and international cooperation, to accelerate global economic recovery and to mitigate the COVID-19 pandemic.”
Ikinagalak ng ASEAN foreign ministers ang patuloy umanong katapatan ng Amerika na suportahan ang rehiyon nang naaayon sa prinsipyo ng ASEAN Outlook on the Indo-Pacific.
Handa na raw ang mga opisyal ng ASEAN na makasama sa meeting ang mga opisyal ng Biden administration.
Ang bansang Brunei Darussalam ang umuupong chairman ng ASEAN para sa taong 2021.
-
ALAK, BAWAL MUNA SA PISTA NG ITIM NA NAZARENO
IPAGBABAWAL muna ang pagbebenta at pag-inom ng alak sa Kapistahan ng Quiapo , ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso Ito ay matapos lagdaan ng alkalde ang City Ordinance 5555 na nagbabawal sa pagbebenta ng alak sa panahon ng Kapistahan ng Itim na Nazareno o nasasakop ng Kapistahan. Magsisimula ang liquor […]
-
Taxi driver tinodas ng riding-bicycle
Dedbol ang isang 43-anyos na taxi driver matapos barilin sa ulo ng hindi kilalang riding-bicycle gunman habang nakatayo ang biktima sa gilid ng kalsada sa Malabon city, kamakalawa ng hapon. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Angela Rejano, dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo si Eduard Nonong, ng […]
-
DOTr lumagda sa kontrata para sa pagbili ng 304 railway train cars ng NSCR project
LUMAGDA sa isang kontrata ang Department of Transportation (DOTr) upang bumili ng 304 railway train cars na gagamitin sa North-South Commuter Railway (NSCR) project. Ayon sa DOTr, ang NSCR project ay malayo na ang narating para sa development nito dahil nauna ng kumuha ang ahensya ng eight-car Electric Multiple Unit na gagamitin naman […]