4 na oras sa burol, 4 na oras sa libing ni baby River ibinigay ng korte kay Nasino
- Published on October 16, 2020
- by @peoplesbalita
WALONG oras ang ibinigay ng Manila Regional Trial Court ,Branch 47, sa aktibistang si Reina Mae Nasino para masilip at makapiling ang kanyang nasawing anak sa burol nito at sa nakatakdang libing sa Manila North Cemetery sa Oktubre 16,2020 sa Maynila.
Sa dalawang pahinang order ni Manila RTC,Br.47 Presiding Judge Paulino Gallejos, si Nasino na mabisita ang anak mula ala 1:00 ng hapon hanggang alas-4:00 ng hapon,kahapon para makapunta sa burol ng anak sa La Funenaria Rey sa Pandacan.
Gayundin sa Biyernes,Oktubre 16 mula ala-1:00 hanggang alas- 4:00 ng hapon para maihatid sa kanyang huling hantungan ang anak sa Manila North Cemetery sa Biyernes.
Inatasan rin ng Hukom,ang Bureau of Jail Management and Penology(BJMP) na magsumite ng report sa naging aktibidad ni Nasino matapos ang limang araw.
Una nang pinayagan sa “open court” ang mosyon ni Nasino ,kamakalawa na inihain ng National Union for People’s Lawyer (NUPL) sa pangunguna ni Atty,Edre Olalia. (Gene Adsuara)
-
Pinas, nakakuha ng ₱9-B loan mula France
NAKAKUHA ang Pilipinas ng €150-million o mahigit na ₱9 billion policy-based loan mula France para idagdag at gamitin sa “climate change mitigation at adaptation.” Sinabi ng French Development Agency (AFD) na nagsagawa ito ng ceremonial exchange of documents sa Department of Finance sa loan na tinintahan noong nakaraang Disyembre 29, 2022. Naglalayon itong tulungan ang […]
-
PH crime rate mula quarantine, bumagsak sa 51%
Bumagsak sa 51% ang crime rate sa Pilipinas buhat nang umiral ang community quarantine measure sa bansa, batay kay Defense Secretary Delfin Lorenzana. Sa datos ng Philippine National Police (PNP), 10,145 krimen lamang ang naitala mula March 17 hanggang July 20 kumpara sa 20,575 krimeng naiulat noong Nov. 17, 2019 hanggang March 16, 2020. […]
-
Mahigit 200 kaso ng monke mundo – EU disease agency
UMAABOT na sa kabuuang 219 ang kumpirmadong kaso ng monkeypox virus sa buong mundo ayon sa inilabas na update report mula sa European Union disease agency. Mahigit sa isang dosenang mga bansa na nakapagtala ng monkeypox ay sa Europa na walang direktang epidemiological links sa West o Central Africa kung saan ang disease […]