• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ASEAN, walang impluwensiyang taglay gaya ng sa EU

IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na walang impluwensiya ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na kahalintulad ng impluwensiya na mayroon ang European Union pagdating sa pag-secure ng bakuna laban sa COVID-19.

 

Sa public address ng Pangulo noong Lunes ng gabi ay sinabi nito na ang ASEAN countries ay hindi naman makapangyarihan gaya ng EU.

 

“Eh wala tayong koneksiyon. Wala tayong pera. Itong problema ng COVID, hindi talaga madali. Ang greatest disadvantage natin, hindi tayo mayaman,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

“One day, maybe, one day… magkakaroon din tayo ng panahon to shine. Hindi na ako ‘yan… Our time will shine someday. ‘Yong ASEAN it is not that powerful to have a clout sa mga ganitong ginagawa ngayon. Walang supply,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa kabilang dako, tinawagan ng pansin ng Chief Executive ang publiko na magtiwala sa pamahalaan pagdating sa pagbili ng bakuna at pamamahagi nito.

 

“Just keep your faith in government. Tutal, si (Secretary Carlito) Galvez, ‘yon naman ang trabaho niya,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

“We cannot do anything. We cannot call upon the heavens to fall on its knees, to demand and be ours what is not to be simply ours. So just keep your faith in the government,” aniya pa rin.

 

Samantala, naglaan na ang Pilipinas ng P73.2 billion  para sa pagbili ng bakuna, P40 billion ay mula sa multilateral agencies, P20 billion mula sa domestic sources, at P13.2 billion naman ay mula sa bilateral agreements. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Bigtime rollback sa petrolyo, ipinatupad

    INANUNSYO ng mga lokal na kumpanya ng langis ang isa pang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo epektibo kahapon, Martes.     Sa hiwalay na advisories, kinumpirma ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, Seaoil Philippines at  Flying na ipatutupad pagsapit ng  alas- 6:00 ng umaga ng Hulyo 12 ang tapyas na presyong P6.10 sa kada […]

  • BF.7 dapat ikabahala – expert

    DAPAT umanong ikabahala ng mga health authorities sa bansa ang presensya ng Omicron subvariant na BF.7 dahil sa kakayahan nito na muling magpataas ng mga kaso tulad ng nangyayari sa China. “Well, that is a concern considering that we are not having accurate information coming from China and China has a past history of not […]

  • DEREK, dapat payuhan na ‘wag nang mag-react sa bashers at mag-move on na kay ANDREA; mag-focus na lang kay ELLEN

    SANA ay may magpayo na rin kay Derek Ramsay na hangga’t maaari, baka gusto niyang ‘wag ng magreak nang mag-reak sa mga bashers.     At move-on na rin talaga sa kasasagot o kaka-mention about Andrea Torres.     Mukhang sa halip na makuha niya ang simpatiya ng netizens sa pagsagot niya sa minsan o […]