ASF lumalala?!
- Published on February 27, 2020
- by @peoplesbalita
KASABAY nang tinututukang kontrobersiyal na prangkisa ng ABS-CBN, pagkalat ng COVID-19 at ‘Pastillas Modus’ sa Bureau of Immigration, dumarami pa rin ang umaaray sa African Swine Fever (ASF) at patuloy ang paglaganap ng virus sa mga alagang baboy sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kailangan nang itodo ang paghihigpit ng local government units (LGUs) sa pamamagitan ng pagpapatupad ng quarantine at checkpoint sa lahat ng entry at exit points ng kanilang nasasakupan. Isa ito sa mga paraan upang matiyak na walang nakapupuslit na produkto na maaaring pagsimulan ng nasabing virus.
Kung lahat ay magtutulungan mula sa LGU hanggang sa mga nag-aalaga ng baboy, mas madaling masusugpo ang ASF. Kung may makitang banta o kaso ng virus, kailangang ipagbigay-alam agad sa mga kinauukulan.
Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang paglala ng sitwasyon, huwag na huwag sanang sumagi sa isipin na damay-damay, dahil lalo tayong malalagay sa alanganin.
Minsan, talagang may kailangang magsakripisyo alang-alang sa nakararami. Bukod sa mga checkpoint, malaking tulong din ang pagpapatupad sa national zoning plan.
Kasabay nito ang pakiusap sa mga opisyal ng lugar na huwag nang mag-atubiling magdeklara ng state of emergency kung lalawak pa ang ASF, para na rin sa agarang tulong na maihahatid sa mga apektado ng ASF.
-
P13.8 M SHABU, NASABAT SA ISANG HABAL-HABAL DRIVER SA BUY BUST SA CAVITE
DUMAYO pa ang isang habal-habal na driver sa Cavite upang magdeliver ng mahigit P13 milyon halaga ng shabu na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto sa isang buy bust operation sa Bacoor City, Cavite Martes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Jay-r Fuenteveros y Banal, alias “Panget”, nasa wastong edad ng Hermanos Compound, Bicutan, […]
-
Ads August 30, 2023
-
Malolos-Clark railway naantaladahilsa payment issues
NABIGONG magbayad ang pamahalaan sa tamang oras sa isang contractor ng Malolos-Clark Railway Project (MCRP) kung kaya’t naantala ang construction works. Maantala ng isang taon na dapat ay sa 2024 na siyang targeted completion ng nasabing imprastruktura. Ayon kay Department of Transportation (DOTr) undersecretary Cesar Chavez na ang pamahalaan ay naharap […]