• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Asian Athlete of the Century si ‘Pacman’ KINILALA si Manny Pacquiao bilang numero unong atleta sa buong Asya nga­yong 21st century, ayon sa prestihiyosong Top 25 Asian Athletes ng ESPN.

Pinunto ng ESPN ang walang kaparis na achievements ni Pacquiao sa bo­xing, kung saan isa siya sa maituturing na pina­kamaga­ling sa buong mundo kaya nararapat lang na maging No. 1 sa Asya.
Hanggang sa ngayon, ang tinaguriang Pambansang Kamao na si Pacquiao pa lang ang natatanging fighter sa kasaysayan na naghari sa 8 magkakaibang weight divisions.
Sa tatlong dekadang karera, kinilala si Pacquiao bilang Fighter of the Year ng Ring Magazine at ESPY nang limang beses habang pinarangalan din bilang BWAA Fighter of the Decade noong 2000s.
Retirado na ang 45-an­yos na si Pacquiao matapos ang tatlong dekadang karera tampok ang makasaysayang kartada na 68 wins, 8 losses at 2 draws.
Sinamahan naman nina weightlifter Hidilyn Diaz at PBA legend June Mar Fajardo si Pacquiao bilang kinatawan ng Pilipinas sa pagkilala.
Swak sa ika-19 puwesto si Diaz, na siyang nag-uwi ng kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Tokyo Olympics matapos ang 97 na taon, habang nasa ika-25 puwesto, naman si Fajardo.
Dahil dito sa walang katumbas na achievements ni Fajardo sa Philippine basketball tampok ang 10 PBA championships, 4 na Finals MVP awards, 7 MVP plums at 10 BPC.
Other News
  • Kotse sumalpok sa trak: 4 patay, 1 kritikal

    APAT katao ang nasawi at isa pa ang malubhang nasugatan nang sumalpok ang sinakyan nilang kotse sa isang trak sa bahagi ng Maharlika Highway na nasa Gumaca, Quezon, kahapon (Biyernes) ng umaga.   Kabilang sa mga nasawi si Joseph Dumlao, 33, residente ng Pasig City, na nagmaneho ng kotseng Mitsubishi Mirage (NCS-5879), ayon sa ulat […]

  • Dream come true para sa senador: Anak nina BONG at LANI na si LOUDETTE, ganap nang doktora

    ISA na namang bonggang tagumpay ang ipinagdiriwang ng pamilya Revilla ngayon, sa pangunguna ng power couple na sina Senador Ramon Bong Revilla, Jr. at Congresswoman Lani Mercado-Revilla!   Ito ay pagiging ganap nang doktora ng kanilang anak na si Loudette Bautista, sa pagpasa nito sa 2024 Physician Licensure Examination o ang Board Exams para sa […]

  • KAHIT MAY PANDEMYA, ELEKSIYON TULOY

    SA kabila ng pandemya dulot ng COVID-19, itutuloy pa rin ang 2022 presidential polls sa itinakdang petsa.     Ito ang sinabi Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang interview sa radyo.     Tiniyak ng poll chief sa publiko na gaganapin pa rin ang halalan sa May 9,2022 .     Sinabi pa ni Jimenez […]