• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ASIAN GAMES 2023 MEDALISTS, makatatanggap ng Presidential citation at cash incentives

ISANG  grand welcome at awarding ceremony  ang naghihintay sa mga Filipino medalists  ng 2023 Asian Games, mamayang gabi, araw ng Miyerkules, Oktubre 25.

 

 

Ang nasabing event ay tinawag na ‘Gabi ng Parangal at Pasasalamat Para sa Bayaning Atletang Pilipino’.

 

 

Ang Office of the President (OP) sa pakikipagtulungan sa  Presidential Communications Office,  ang magho- host  ng nasabing selebrasyon na gaganapin sa Rizal Memorial Coliseum.

 

 

Ang naturang  event  ay isang “special recognition” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.  bilang pagkilala sa sakripisyo at pagdiriwang sa tagumpay ng mga tinatawag na “modern-day heroes” na nag-uwi ng  karangalan, papuri at saya sa mga kapwa Filipino.

 

 

Sa kabilang dako,  makatatanggap naman ang lahat ng  33 Filipino medalists  ng Presidential Citation  bilang pagkilala sa kanilang ipinamalas na kahusayan at achievements sa kani-kanilang mga sports sa kamakailan lamang na nagtapos na 2023 Asian Games sa Hangzhou, China.

 

 

Sa gayong paraan, tataas ang  interest at kamalayan ng mga kabataan at iba pang aspiranteng atletang Filipino sa ‘sports.’

 

 

Ang bawat  medalists ay makatatanggap ng insentibo mula sa Philippine Sports Commission (PSC) sa pamamagitan ng  Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), may kabuuang P19.1 milyong piso. May karagdagang insentibo naman mula sa  Office of the President, umaabot sa halagang  P22.8 milyong piso.

 

 

Samantala, makakasama naman ng Asian Games 2023 medalists ang kani-kanilang mga pamilya sa naturang event.

 

 

Ang mga estudyante o mga mag-aaral mula sa iba’t ibang eskuwelahan, kolehiyo at unibersidad sa Kalakhang Maynila ay magpapartisipa sa  musical celebration na may kasamang pagganap ng  Konsyerto sa Palasyo artists at musicians.

 

 

“The medals received by our athletes during the Asian Games 2023 are a testament to the fact that Filipinos in the international sports arena are truly world-class. The government aims to continue supporting our athletes in many more international sporting events as we work together towards a Bagong Pilipinas,” ayon sa Malakanyang. (Daris Jose)

Other News
  • 4 drug suspects timbog sa P1.2M shabu sa Caloocan

    Arestado ang apat na drug suspects, kabilang ang top one drug personality ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.     Ayon kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Eliseo Cruz, dakong 10 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba […]

  • Kumpara sa ibang lalaki na nakarelasyon: RUFA MAE, kinuwento ang kaibahan ng asawa na si TREVOR

    MINSAN daw ay pumapasok sa isipan ni Dennis Trillo ang ilang “what ifs” sa buhay niya.     Ang “what ifs” ay mga tanong sa sarili tungkol sa consequences ng mga bagay na hindi nangyari.     Ibinahagi ng Kapuso Drama King ang isa sa kanyang mga “what ifs” ng kanyang buhay sa kanyang Instagram […]

  • Knott makakaabot ng Olympics – Juico

    KUMPIYANSA si Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) chief Philip Ella Juico na magku-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan si sprint runner Kristina Knott.   Ito’y makaraang mag-silver medal sa Drake Blue Oval Showcase sa Iowa, United States nitong Sabado ng ng Fil-Am Kristina at giniba ang 33-year-old record ni Lydia […]