Assassination plot laban kay Digong Duterte, walang basehan – Malakanyang
- Published on March 26, 2025
- by @peoplesbalita
WALANG basehan ang tila pinangangambahan ni Vice-President Sara Duterte na security threats laban kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte sakali’t mapabalik ang huli sa bansa.
Si Digong Duterte ay kasalukuyang nakaditine sa International Criominal Court (ICC) detention center dahil sa kasong crimes against humanity na isinampa laban sa kanya.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinagot ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang tila ginawang pagkukumpara ni VP sara sa kanyang ama na si dating Pangulong Duterte kay kay dating Senador Ninoy Aquino kung pipilitin pa rin nitong umuwi sa Pilipinas
Napaulat kasi na bahagi ng naging talumpati ni Vice-President Sara Duterte sa meet-and-greet event na inorganisa ng Duterte supporters sa Het Malieveld The Hague, Netherlands ay ang naging tugon nito sa kanyang ama nang tanungin siya kung maiuuwi pa siya ng Pilipinas.
“Magiging Ninoy Aquino Jr. ka…” ang babala ni VP Sara sa kanyang ama na si dating Pangulong Duterte sabay sabing maaaring magaya ito kay dating Senador Ninoy Aquino kung pipilitin pa rin nitong umuwi sa Pilipinas
Nagpahayag ng pag-aalinlangan at pagdududa si Castro sa pangamba na inihahayag ngayon ng pamilya Duterte, hayagang kinuwestiyon ni Castro ang pinagmulan ng kuwento.
Tinukoy din ni Castro ang naging pahayag ni VP Sara na may banta sa kanyang buhay noong kasagsagan ng girian nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Castro na wala ngang naipakitang ebidensiya si VP Sara sa National Bureau of Investigation (NBI) o sa Philippine National Police (PNP) hinggil sa security risks sa kanya at sa kanyang ama.
“So, saan lamang po ito nakukuha, kailangan po natin kasi na mga materyales na mga ebidensiya bago po magsagawa ng ganitong mga klaseng statements, wala pong katotohanan iyan,” diing pahayag ni Castro. (Daris Jose)
-
“There is no patching things up”
SINABI ni Vice President Sara Duterte na walang pag-aayos na magaganap sa kanila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at umabot na sila sa “point of no return.” “I believe we reached the point of no return and it is clear na [that] they are really going after me,” ang sinabi ni VP Sara […]
-
Answered prayer dahil matagal nang walang regular work: JOHN, nagbabalik sa pag-arte sa entablado na first love niya
NAGBABALIK si John “Sweet” Lapus sa pag-arte sa entablado after 15 years via ‘Delia D.: A Musical Featuring The Songs of Jonathan Manalo.’ First love ni Sweet ang teatro dahil dito raw niya nadiskubre ang talento niya sa pagganap sa iba’t ibang roles na naging daan para magkaroon siya ng career sa pelikula at telebisyon. […]
-
Anti-Terrorism Act of 2020: Tiyakin na hindi malalabag ang karapatang pantao
Nilagdaan na ni President Duterte ang kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act of 2020 (Republic Act 11479) noong Biyernes. Ito ay sa kabila na maraming tutol sa batas sapagkat marami raw probisyon dito na maaaring maabuso ang karapatang pantao. Wala rin umano sa tiyempo ang pagkakapasa nito at halatang minadali ng mga mambabatas. Ang masaklap pa, ayon […]