• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Assessment ng US-based company Bloomberg, pinalagan ng Malakanyang

ITINANGGI at pinalagan ng Malakanyang ang naging assessment ng US-based company Bloomberg kung saan nakapuwesto ang Pilipinas malapit na sa ilalim o kulelat pagdating sa COVID resilience ranking.

 

Iginiit ni Presidential spokesperson Harry Roque na maayos na nahawakan ng pamahalaan ang viral outbreak.

 

Sa ulat, ipinuwesto ng Bloomberg ang Pilipinas sa 46th mula sa 53 bansa base sa 10 key metrics, kabilang na ang  pagtaas ng kaso, mortality rate, healthcare system capacity, lockdown impact, community mobility, at  agreements o kasunduan  sa  vaccine supply.

 

Ayon sa Bloomberg, ang Pilipinas ay nakapagpuntos ng  “poorly” pagdating sa usapin ng  community mobility—o ang  “movement of people to offices and retail spaces compared to a pre-pandemic baseline in the past month”—na may -39.4% score.

 

Sinabi ni Sec.  Roque  na hindi pa niya napag-aaralan ang nasabing report sa kabila ng palagi niyang sinasabi  na ang
government measures ay nagresulta ng  “relatively low mortality rate” para sa COVID-19 at ang maliit na percentage ng malubha at kritikal na kaso.

 

“Tingin ko parang hindi po accurate ‘yan sa aktwal na nangyari. Pinaninindigan po natin that we have managed COVID-19 very well in this country,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Dr. Albert Domingo, consultant ng  World Health Organization Philippines, na ang laban kontra pandemiya ay hindi dapat gawing karera ng mga bansa.

 

“This is more of like a marathon kung saan ang laban natin is laban sa ating sariling performance. Kung tayo po ay tumatakbo sa isang mahaba na takbuhan na marathon, hindi mo pinapansin kung nauuna ka o nahuhuli ka doon sa katabi mong tumatakbo,” ayon kay Dr. Domingo.

 

“Ang pinapansin po natin is nadaig ba natin ‘yung dating oras natin, mas mabilis ba ‘yung takbo natin, nagagawa ba natin ‘yung pinakamahusay sa ating paraan,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya, ang paglupig sa  COVID-19 ay isang global effort.

 

Idinagdag naman ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. na mahirap gumawa ng pagkukumpara sa pagitan ng mga bansa.

 

“’Yung geospatial at tsaka ‘yung tinatawag natin na demographic conditions ng isang country ay magkakaiba,” anito.

 

Samantala, ipinatupad ng Pilipinas ang  isa sa pinakamatagal at pinakamahigpit na  lockdowns na may  quarantine classifications.

 

Para sa buwan ng Disyembre,  inaasahang ia-anunsyo ito ng Pangulo sa Nobyembre  30. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • 67-anyos pumanaw matapos pumila sa ‘community pantry,’ Angel Locsin nag-sorry

    Binawian ng buhay ang isang senior citizen sa Lungsod ng Quezon ngayong araw matapos himatayin sa isang “community pantry” na inorganisa ng isang artista sa gitna ng kagutumang dala ng mga lockdowns.     Matatandaang nasimulan ang mga nasabing efforts bilang tugon sa “bagal” ng ayudang natatanggap ng mga residente sa mga eryang naka-lockdown dahil […]

  • Bong Go, atras sa presidential bid sa Eleksyon 2022

    INANUNSYO ni Senador Bong Go ang kanyang pag-atras na tumakbo sa pagka-pangulo sa Eleksyon 2022.   Ang desisyon ni Go na bawiin ang kanyang kandidatura ay matapos ang isang linggong pag-amin na nananatili siyang naghihintay ng  “sign from God”  kung itutuloy pa ba niya ang kanyang presidential bid o hindi na.   Sa isang panayam […]

  • COVID-19 pandemic positibo ang epekto para kay Obiena

    Kung negatibo ang pagtanggap ng mga tao sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay may ‘positibo’ naman itong epekto para kay Olympic Games-bound Ernest John Obiena.   Sa isang episode ng “For The Love of the Game” ay sinabi ni Obiena na binago ng COVID-19 ang kanyang katauhan at kaisipan.   “I learned a lot. I […]