• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 pandemic positibo ang epekto para kay Obiena

Kung negatibo ang pagtanggap ng mga tao sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay may ‘positibo’ naman itong epekto para kay Olympic Games-bound Ernest John Obiena.

 

Sa isang episode ng “For The Love of the Game” ay sinabi ni Obiena na binago ng COVID-19 ang kanyang katauhan at kaisipan.

 

“I learned a lot. I grew a lot as an athlete this year and as a person. It’s like you learned to appreciate the small things and kind a take it step by step,” wika ng 25-anyos na pole vaulter.

 

“I think that’s one of the good things that the pandemic brought to each one of us is to actually appreciate the small things that we normally wouldn’t even care,” dagdag nito.

 

Nagbalik na sa kanyang ensayo si Obiena sa kanyang training camp sa Formia, Italy sa ilalim ni Ukranian coach Vitaly Petrov matapos ang one-month break noong Oktubre.

 

Hindi pa nakakauwi ng bansa si Obiena matapos angkinin ang gold medal sa 30th Southeast Asian Games noong Disyembre.

 

Sa anim niyang podium finishes sa walong sinalihang torneo ngayong taon ay kumolekta ang 6-foot-2 Pinoy pride ng isang ginto, dalawang pilak at tatlong tansong medalya.

 

Ang nasabing gold medal ni Obiena ay sa 59th Ostrava Golden Spike competition sa Czech Republic kung saan naglista siya ng 5.74 metro.

Other News
  • Skyway 3 bubuksan na sa December

    MAGDARAOS ng soft oftening ang San Miguel Corp. (SMC) para sa pagbubukas ng bagong Skyway 3 expressway sa darating na December.   Ayon kay San Miguel Corp. president at chief operating officer Ramon Ang na siya ay kumpyansa na ang SMC ay matatapos at magbubukas ang Skyway 3 kahit na maulan na siyang nakakaabala sa […]

  • Sharonians nabulabog at kinilig: SHARON at RICHARD, aksidenteng nagkita sa airport papuntang Cebu

    NABULABOG na naman ang mga Sharonians sa Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta na kung saan after three years ay muli silang nagkita ni Richard Gomez habang naghihintay sa airport papuntang Cebu. Makikita sa series of photos sa masayang pagkukrus ng landas nina Shawie at Goma. “And who should I bump into in the airport […]

  • 10 arestado sa P292K shabu sa Valenzuela

    NASAMSAM sa sampung hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang halos P.3 milyon halaga ng shabu matapos maaresto sa magkakahiwalay na drug operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Ayon kay P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valennzuela police, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang matimbog ng mga operatiba […]