• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

AstraZeneca, Clover, Janssen vaccines lusot na sa ethics review board: DOH

Aprubado na rin sa level ng Single Joint Research Ethics Board (SJREB) ang clinical trial application ng tatlong kompanya na nag-develop ng COVID-19 vaccines, ayon sa Department of Health (DOH).

 

Kinumpirma ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na nabigyan na ng clearance ang aplikasyon ng Janssen Pharmaceutical at AstraZeneca na mula Europe; at Clover Biopharmeuticals ng China, matapos dumaan sa evaluation ng SJREB.

 

“Inaantay na lang natin lahat na matapos ang evaluation nila, but for now we already have two vaccines na nagkaroon ng positive recommendations from vaccine expert panel, at may tatlong bakuna na naka-apruba na ng ethics review board,” ani Vergeire sa isang media forum.

 

Una nang naaprubahan ng Department of Science and Technology (DOST) vaccine expert panel ang aplikasyon ng Clover. Ibig sabihin umusad na sa Food and Drug Administration ang kanilang aplikasyon sa Food and Drug Administration.

 

Ang bakunang gawa rin ng Chinese firm na Sinovac Biotech ang isa pang tinukoy ni Usec. Vergeire na pumasa na sa VEP at naghihintay pa ng approval mula sa ethics review board.

 

Ipinaliwanag ng Health spokesperson na dapat aprubado muna sa parehong level ang mga aplikasyon bago ipasa sa FDA, na siyang magbibigay ng huling hatol kung dapat payagan ang bakuna na mapag-aralan sa mga Pilipino.

 

“Parallel ang pag-aaral (ng vaccine expert panel at ethics review board), kung hindi pa papasa sa kahit isa, hindi pa makakapasok sa FDA process. Kailangan aprubado (ng dalawa) bago makapasok sa FDA. Although (FDA) are gathering initial information about these five vaccines para nauumpisahan na rin nila yung documentary evaluation.”

 

Samantala, kinumpirma rin ni Usec. Vergeire na nagpasa na ng confidentiality data agreement ang American companies na Pfizer at Moderna.

 

“Yung sa Moderna nagkaroon tayo ng pagbabalik ng CDA ng DOST because mayroon tayong comments and we are awaiting for their response on this.”

 

“For Pfizer nakapagpirma na ang DOST through the Philippine Council for Health Research and Development ng CDA at pinadala na natin sa Pfizer ang CDA na ito for their consideration.”

 

Magugunitang lumagda ang private sector at pamahalaan ng kasunduan kamakailan para makapag-angkat ng higit 2.5-billion dose ng AstraZeneca vaccines sa susunod na taon. Ginawa ang paglagda ng tripartite agreement matapos bigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kapangyarihan ang FDA para sa emergency use authorization.

Other News
  • Romano, 3 pabibo sa LGBA series

    WALANG pang bahid ang kartada (3-0) ng apat na sabungero sa pagbubukas ng 2020 Luzon Gamecock Breeder Association Cocker of the Year series nitong Biyernes sa Pasay City Cockpit.   Mga miyembro naman ng LGBA ang pupupog sa round two sa darating na Biyernes, Pebrero 21 samantalang sa Pebrero 28 ang grand finals ng pasabong […]

  • Pag-angkat ng 440-K MT ng asukal, aprubado na ng SRA Board

    INAPRUBAHAN ng Sugar Regulatory Administration (SRA) Board ang plano sa pag-aangkat ng 440,000 metric tons ng refined sugar.     Layon nito na palakihin ang supply at patatagin ang mga presyo ng sweetener ngayong taon.     Inihayag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Board member-planters’ representative Pablo Luis Azcona na inaaprubahan ito sa ginawang pulong […]

  • Australia, mamumuhunan ng $20M para palakasin ang justice system ng Pinas

    SINABI ng Australian government na maglalaan ito ng $20 million investment para suportahan ang gobyerno ng Pilipinas sa pag-reporma ng sistema ng hustisya sa bansa.     ”The Prime Minister also announced a new $20 million investment to support the Philippines to reform, and improve access to, its justice system,” ang nakasaad sa media release […]