• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ateneo student, tumalon mula sa 9th floor ng gusali

Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-siyam na palapag ng gusali ang isang kolehiyala ng Ateneo de Manila University sa Quezon City noong Lunes ng umaga.

 

Sa report ni PMSG Julius Balbuena, imbestigador ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, alas-11:10 ng umaga (Pebrero 17) nang maganap ang insidente sa harapan ng Chachago Milk Tea na matatagpuan sa No. 29 F. Dela Rosa St., Barangay Loyola Heights, QC.

 

Ayon sa imbestigasyon, sinasabing tumalon mula sa ika-siyam na palapag ng gusali ng Regis Center sa Katipunan Avenue, Loyola Heights ang Ateneo student, base sa nakuhang school ID sa katawan nito.

 

Batay sa pahayag sa pulisya ng nakasaksing si Eloisa Bondocan, supervisor ng Chachago Milk Tea, nakatayo siya sa labas nang makita niya na may bumagsak sa nakaparadang Toyota FJ Cruiser na may plakang CAF 2385 at pagkatapos ay tumilapon sa semento.

 

Nang kaniyang alamin kung ano ang bumagsak ay nakita niya ang katawan ng isang babae na umaagos na ang dugo sa ulo at halos magkalasog-lasog ang katawan kaya agad siyang humingi ng saklolo sa kaniyang mga kasamahan.
Masusi pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente.

Other News
  • VICE, tahasang sinabi na mga ‘ganid’ at ‘masasamang loob’ ang nasa likod ng pagpapasara ng network

    MARAMI sa mga Kapamilya stars, mga taga-news at mga empleyado ng ABS-CBN ang nag-post sa kanilang social media noong May 5.     Isang taong anibersaryo na kasi simula nang tanggalan ng free TV ang network at hindi i-renew ang prangkisa.  Libo-libo ang nawalan ng trabaho habang ang iba ay piniling magpatuloy at ang mga shows […]

  • PBBM, nakipagpulong sa mga lider ng Filipino-Chinese business community

    NAKIPAGPULONG si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng  Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) upang talakayin ang  economic recovery post-COVID-19 ng bansa.     Sa isang post sa pamamagitan ng kanyang official Facebook page, nakipagpulong si Pangulong Marcos, araw ng Sabado,  sa mga opisyal ng  FFCCCII sa Malacañang […]

  • Obiena handang harapin ang PATAFA sa korte

    MANILA, Philippines — Imbes na maduwag ay buong tapang na haharapin ni national pole vaulter Ernest John Obiena ang mga ibinatong isyu sa kanya ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).     Sa isang Facebook post ay sinabi ni Obiena na hahayaan niya ang kanyang legal team na ipagtanggol siya sa mga akusasyon […]