• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Athletes na lalahok sa Tokyo Olympics sana mabakunahan muna – IOC

Target ngayon ng International Olympic Committee (IOC) na mabakunahan kontra COVID-19 ang mga atletang sasabak sa kompetisyon para matuloy nang ligtas ang Tokyo Games sa darating na Hulyo.

 

Bagama’t ayaw sumingit ng IOC sa listahan nang kung sino ang dapat na maturukan ng COVID-19 vaccines gaya ng mga napapabilang sa vulnerable sector at health care workers, umaasa silang sa lalong madaling panahon ay mabakunahan din ang mga atletang sasabak sa Olympic Games sa Tokyo.

 

Ito ay sa gitna na rin nang pagkakatuklas sa mga bagong variants ng COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo, pati na rin ang pagtaas ng kaso sa Japan.

 

Ayon kay IOC member Dick Pound, ang pagpapabakuna sa mga atleta ang siyang “most realistic way” para matiyak na matuloy nang ligtas ang Tokyo Olympics sa Hulyo.

 

Hindi naman daw niya nakikita na magkakaroon ng public outcry o pagpuna sakali mang matuloy ang pagbabakuna sa mga atleta.

 

Sa huli, desisyon pa rin aniya ito ng bawat bansang lalahok sa kompetisyon.

 

Nauna nang hinimok ni IOC president Thoms Bach ang mga atleta na magpaturok muna ng COVID-19 vaccine bago sumali sa Tokyo 2020 Games pero iginiit na hindi naman ito magiging requirement.

Other News
  • KIKO at HEAVEN, tila nabuking sa relasyon at tama ang hinala ni DEVON

    BAKUNADO na ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.       At si Dingdong nga ang nag-initiate na marami na sa mga kasamahan nila, lalo na sa industriya ang mabakunahan.     Ang mga PPL Entertainment Inc. at All Access to Artists ay mga kasabay nila na nagpabakuna, same sa mga riders ng Dingdong.ph at ilang […]

  • Gaya ng ginawa sa ‘Miss Grand Philippines 2023’: HERLENE, gagamit uli ng interpreter sa ‘Miss World Tourism’ sa London

    KINUMPIRMA ni Herlene Budol na muli siyang gagamit ng interpreter sa Miss World Tourism sa London, gaya ng ginawa niya sa katatapos lang na Miss Grand Philippines 2023.       Ginulat ng bida ng ‘Magandang Dilag’ ang lahat nang gumamit siya ng interpreter sa Q&A portion.       “Oo. Dito nga po sa […]

  • Mga menor, personalidad na may mental condition, pagbawalang uminom ng alak

    UPANG patuloy na maprotektahan ang mga menor de edad at personalidad na may mental conditions mula sa masamang epekto ng alak, isinulong ng dalang mambabatas ang pagpataw ng mas mahigpit na regulasyon sa pagbebenta nito.     Sa House Bill No. 1753 o Anti-Underage Drinking Act na inihain nina Davao City Rep. Paolo Duterte at […]