‘Audio record’ ng Chinese Embassy ukol sa pag-uusap sa WPS, paglabag sa batas ng Pinas
- Published on May 10, 2024
- by @peoplesbalita
MALINAW na paglabag sa batas ng Pilipinas ang pag-amin ng Chinese Embassy na mayroon itong audio recording ng isang Filipino general na nakikipag-usap sa Chinese diplomat kaugnay sa “new model” agreement sa West Philippine Sea (WPS).
“Kung totoo man ito, labag sa international relations at labag sa batas dahil hindi sila nakipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA) at sila ay umoperate na pailalim kung totoo ito,” ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa sidelines ng Philippine Navy’s Maritime Security Symposium 2024 sa Quezon City.
Dahil sa Republic Act 4200 o Anti-Wire Tapping Law, naging illegal para sa kahit na kaninang tao, na walang pahintulot ng lahat ng partido na sangkot na “to tap into any wire or cable, or by using any other device or arrangement, to secretly overhear, intercept, or record any private communication.”
Winika ni Teodoro na ipinauubaya na nila ang usapin na ito sa DFA para madetermina kung ano talaga ang nangyari at kung ang Chinese Embassy sa Maynila ay talagang nasa likod nito.
“Dapat alamin kung sino ang responsable dito at alisin sa Republika ng Pilipinas,” aniya pa rin.
Gayunman, nagpahayag naman ng pagdududa si Teodoro sa ‘authenticity’ sa sinabi ng Chinese Embassy, aniya isa itong uri ng panibagong produkto ng “propensity” o gawi ng Chinese government para maugnay sa “misinformation activities”.
Dahil dito, minamadali na nila ang kanilang “operational security measures” dahil mayroon itong “disinformation (at) malign influence” efforts na isinagawa ng mga ahente ng ibang gobyerno.
Muli namang inulit ni Philippine Navy (PN) spokesperson for the WPS Commodore Roy Vincent Trinidad ang pahayag ni Teodoro.
“Anybody could say anything. These stories will be rehashed. We have to understand that today’s warfare is a battle of narratives, it (is) a battle of shaping the perception of the people,” aniya pa rin.
“Today’s battlefield is in the minds of the people, the cognitive domain is the ultimate battlefield so we need to understand there will be very little force-on-force actions. this will be a battle of information and narratives, (of shaping) in the perception of the people,” lahad nito.
Muli niyang binanggit na ang “new model” na sinasabi ng Chinese Embassy ay isa ng “dead story”.
“We need not dignify such dead stories that have been revived from the grave. I will act as an undertaker now and bring that story back to where it rightfully belongs, to the grave never to be heard again,” ayon kay Trinidad. (Daris Jose)
-
BI, pag-aaralan ang mga records at kaso ng ‘crypto scam’ trafficking victims
PAG-AARALAN ng Bureau of Immigration (BI) ang records ng walong repatriated Filipinos na nabiktima ng cryptocurrency scammers. Sinabi ni Commissioner Norman Tansingco na inatasan niya ang Travel Control and Enforcement ng Bureau of Immigration na imbestigahan ang kaso ng mga biktimang ito na dumating sa bansa noong Lunes ng gabi sa pamamagitan ng […]
-
Malabon, nakahanda sa bagyong “Nika”
NAKAHANDA ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa posibleng banta na dala ng Tropical Storm “Nika” at sa iba pang kalamidad, kasabay ng pagtanggap nito ng mga bagong rescue boats mula sa Mang Ondoy Rescue Hub. Pinangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval at Konsehal Edward Nolasco ang pagtanggap ng 21 rescue boats, kabilang rito ang isang […]
-
4 drug personalities timbog sa Valenzuela buy-bust
Apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang arestado matapos makuhanan ng nasa P81,600 halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-busy operation ng pulisya sa Valenzuela city. Ayon kay Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PCpl Pamela Joy Catalla, dakong 1:10 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang […]