• March 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Australian Open Champion: Djokovic balik sa ranked number 1

Nakabalik sa pagiging ranked number 1 ng Association of Tennis Professionals (ATP) si Serbian tennis star Novak Djokovic.

 

Inilabas ng ATP ang rankings isang araw matapos na magkampeon ang 35-anyos na si Djokovic sa Australian Open ng talunin si Stefanos Tsitsipas ng Greece sa finals.

 

Pinalitan nito sa puwesto sa pagiging number 1 si Carlos Alcaraz ng Spain na hindi nakapaglaro sa Australian Open dahil sa injury.

 

Mula sa dating pang-apat na puwesto si Djokovic ay nakaakyat na ito sa unang puwesto habang nasa pangalawang puwesto na si Alcaraz.

 

Ang panalo ni Djokovic sa Australian Open ay nagresulta rin sa kaniya na makuha ang kabuuang 22 Grand Slam title. (CARD)

Other News
  • Kamara walang planong buwagin ang Senado

    TINIYAK  ng mga lider ng Kamara na wala silang plano upang buwagin ang senado sa kanilang isinusulong na reporma sa Konstitusyon.     Ito ang sinabi nina Rizal Rep. Jack Duavit, ang lider ng Nationalist People’s Coalition (NPC) bloc sa Kamara, Deputy Speaker at Ilocos Sur Rep. Kristine Singson-Meehan, Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. […]

  • DOLE naglaan ng P455-M para sa mga rehiyong tinamaan ng bagyong ‘Karding’

    NAGLAAN  ang Department of Labor and Employment ng inisyal na P455.6 milyon para sa implementasyon ng emergency employment program sa Central Luzon at CALABARZON, na sinalanta ng bagyong ‘Karding’ noong nakaraang linggo.     Sa pamamagitan ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), ang mga manggagawa sa impormal na sektor sa nasabing mga […]

  • No. 9 crown pinakamahirap sa Cool Smashers

    ITINUTURING ni Creamline star Michele Gumabao ang pagkopo sa korona ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference bilang pinaka mahirap.     Wala kasi sa Cool Smashers sina key players Alyssa Valdez, Tots Carlos at Alas Pilipinas members Jia De Guzman at Jema Galanza nang kunin nila ang pang-siyam na kampeonato.   “Mahirap siguro […]