Kamara walang planong buwagin ang Senado
- Published on January 31, 2024
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng mga lider ng Kamara na wala silang plano upang buwagin ang senado sa kanilang isinusulong na reporma sa Konstitusyon.
Ito ang sinabi nina Rizal Rep. Jack Duavit, ang lider ng Nationalist People’s Coalition (NPC) bloc sa Kamara, Deputy Speaker at Ilocos Sur Rep. Kristine Singson-Meehan, Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., at Bataan Rep. Albert Garcia, ang secretary general ng National Unity Party (NUP).
Sinabi ng mga ito na ang pangamba na plano ng Kamara na buwagin ang Senado ay nasa isip lamang ng nagpapahayag nito.
Muli ring iginiit ng mga kongresista ang pagsuporta ng Kamara at ng liderato ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 ng Senado na naglalayong amyendahan ang economic provision ng Konstitusyon.
Ang RBH No. 6 ay akda nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senadora Loren Legarda, at senator Juan Edgardo Angara. Ang panukala ay isinumite sa special subcommittee na pinamumunuan ni Angara.
“With regard to the fears and allegations that the House would want to abolish the Senate, we would just like to let everybody know that as far as our party is concerned, there is no way we will be voting in any form to remove our five senators. And if we are not going to remove our five senators, then the other 19 senators can be assured,” ani Duavit.
Sa Senado ang mga miyembro ng NPC ay sina Sen. Loren Legarda, Francis Escudero, Lito Lapid, Sherwin Gatchalian, at Joseph Victor Ejercito.
Si Singson-Meehan, na stalwart din ng NPC ay sumuporta sa pahayag ni Duavit.
Ayon sa mga kongresista, suportado nila ang pag-amyenda sa economic provision ng Konstitusyon upang mas malayang makapagnegosyo sa Pilipinas ang mga dayuhang mamumuhunan na pinagbabawalan na mag may-ari ng negosyo sa bansa.
“At at the same time when the economy gets better, alam mo ‘yung basic social services na binibigay natin, laging sinasabi ng mga people from our district na kulang. Kulang ‘yung TUPAD, kulang ‘yung AICS, pati ‘yung medical assistance sa hospitals. But when our economy gets better, ‘yung collections, ‘yung funds ng government, tumataas na rin,” sabi pa ng lady solon.
Iginiit naman ni Gonzales, stalwart ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), na hindi kasama ang political amendments sa isinusulong ng Kamara.
“Wala po kaming sinasabi na i-abolish natin ang Senado, guni-guni lang po nila ‘yan. Hindi po ‘yun totoo,” sabi ni Gonzales.
Umapela naman si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, stalwart ng Nacionalista Party (NP) sa mga senador na maging mahinahon at iginiit nag kahalagahan ng pagkakaroon ng parliamentary courtesy sa pagitan ng Senado at Kamara.
Ganito rin ang sinabi ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, ang pangulo ng Party-List Coalition Foundation, Inc. (PCFI).
Nagpahayag din ng pagsuporta si House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Dalipe sa RBH 6 ng Senado.
Ayon naman kay Camiguin Rep. Jesus Jurdin Romualdo, nahuhuli ang Pilipinas sa mga karatig-bansa nito sa paghikayat ng dayuhang pamumuhunan.
Iginiit naman nina Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jay-jay” Suarez at Agusan del Norte Rep. Jose “Joboy” Aquino II ang kahalagahan ng pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon upang madagdagan ang mga mapapasukang trabaho at kabuhayan ng mga Pilipino. (Ara Romero)
-
Thrilling Action and Comedy Explode in the Final Trailer for “Bad Boys: Ride or Die,” Starring Will Smith and Martin Lawrence
The world’s favorite Bad Boys are back with their iconic mix of edge-of-your-seat action and outrageous comedy, but this time with a twist: Miami’s finest are now on the run. This action-packed ride takes the duo out of their comfort zone, and the result is nothing short of spectacular – Bad Boys: Ride or Die. […]
-
Filipinas at men’s football team sasabak sa mga international game
NAGHAHANDA na ang men’s and women’s football team ng bansa para sa paglahok sa mga pangunahin kompetisyon. Sa darating na Oktubre 11 hanggang 14 ay lalahok ang men’ national team sa King’s Cup sa Thailand kung saan makakaharap nila ang host country, Tajikistan at Syria. Habang ang Filipinas ay sasabak […]
-
Sea travel sa Northern Luzon suspendido dahil sa bagyong Julian
SINUSPINDE ng Philippine Coast Guard (PCG) ang sea travel nitong Lunes ng umaga, Setyembre 30 sa northern Quezon dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong Julian. Inanunsyo ng PCG station sa bayan ng Real ang suspensyon ng biyahe sa lahat ng sasakyang dagat na maglalayag sa nasabing ruta sa kani-kanilang lugar dahil na […]