Australian Open organizers papayagan ng makapaglaro si Djokovic
- Published on October 14, 2022
- by @peoplesbalita
HANDA pa ring tanggapin ng Australian Open si tennis star Novak Djokovic para maglaro sa susunod na taon na magsisimula mula Enero 16 sa Melbourne.
Sinabi ni Australian Open tournament director Craig Tiley, na kapag makakuha ng visa ang Serbian tennis star ay papayagan nila itong maglaro sa unang grand slam tournament ng 2023.
Handa aniya nilang ayusin ang naging gusot nito sa federal government.
Magugunitang pina-deport si Djokovic at hindi pinayagang maglaro sa nasabing torneo noong Enero dahil sa nagmatigas itong magpakita ng katibayan na siya ay naturukan na ng COVID-19 vaccines.
Sa ilalim ng batas ng Australia na maaring pagbawalan itong hanggang tatlong taon.
Hindi na rin ito naglaro sa US Open ngayon taon dahil sa hindi pa rin ito bakunado laban sa COVID-19.
Bukod kay Djokovic ay papayagan din ng organizers ng Australian Open ang mga manlalaro ng Russia at Belarus basta gagamit sila ng neutral flag.
Pinagbawalan kasi ng mga tennis authorities ang mga manlalaro ng Russia at Belarus matapos ang pag-atake sa Ukraine.
-
Mga ospital ng DOH, nakahanda sa mga banta ng El Niño
NAKAHANDA ang mga ospital ng Department of Health sa mga banta dulot ng El Niño phenomenon. Kaugnay nito, tiniyak ng ahensiya na hindi maaantala ang heallth services para sa publiko. Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa mayroong nakalatag na contingency plan ang DOH sakaling makaranas ng kakapusan ng tubig at kuryente […]
-
Trike drivers mabibigyan din ng fuel subsidy
MAY HIGIT kumulang na 1.2 million na mga drivers ng tricycle ang maaaring mabigyan ng fuel subsidy mula sa pamahalaan. Ito ang sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Eduardo Ano sa isang panayam. Inutusan ni Ano ang mga local government units (LGUs) na magbigay ng listahan ng […]
-
Inamin na marami siyang natutunan: AWRA, nagsalita na rin tungkol sa kinasangkutang gulo sa isang bar
PAGKATAPOS ng kanyang pananahimik, nagsalita na rin si Awra Briguela tungkol sa kinasangkutan niyang gulo noon sa isang bar sa Poblacion, Makati. Ayon sa 20-year-old for child actor, kaya na niyang pag-usapan ang nangyari kaguluhan noon. Nangyari ang pagkuwento ni Awra sa vlog ni Vice Ganda na “My SpaghetTEA with Awra”. Inamin ni […]