• June 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga ospital ng DOH, nakahanda sa mga banta ng El Niño

NAKAHANDA ang mga ospital ng Department of Health sa mga banta dulot ng El Niño phenomenon.

 

 

Kaugnay nito, tiniyak ng ahensiya na hindi maaantala ang heallth services para sa publiko.

 

 

Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa mayroong nakalatag na contingency plan ang DOH sakaling makaranas ng kakapusan ng tubig at kuryente ang mga ospital sa bansa.

 

 

Liban dito, gumagawa na rin ng mga angkop na hakbang ang Presidential Task Force on El Niño Response para matugunan ang posibleng kakapusan ng tubig at kuryente.

 

 

Nag-endorso na rin ang Health Emergency Management Bureau – Response Division ng DOH ng listahan ng health facilities na may mga isyu sa tubig at kuryente para maprayoridad sakaling magkaroon ng kakapusan.

 

 

Dagdag pa ng kalihim na kasalukuyan ng nakikipagtulungan ang DOH sa lahat ng health facilities sa buong bansa sa pag-assess ng kanilang kahandaan sa El Niño at kung paano mapapabuti pa ang kanilang estratehiya at plano kasabay ng pag-peak ng naturang weather phenomenon.

 

 

Una ng iniulat ng state weather bureau na nasa 15 probinsiya ang maaaring makaranas ng ng dry conditions habang 22 probinsiya naman ang makakaranas ng dry spell at 30 naman ang maaaring makaranas ng tagtuyot dahil sa epekto ng El Niño na inaasahang magtatagal pahanggang Mayo ng kasalukuyang taon. (Daris Jose)

Other News
  • COVID-19 cases sa bansa lampas 348,000 na, patay halos 6,500

    TULOY-TULOY pa rin ang trend ng pag-akyat ng coronavirus disease (COVID-19) infections sa bansa sa pagpasok nito sa ika-30 linggo ng quarantine.   Umabot na kasi sa 348,698 ang kumpirmadong kaso ng nasabing virus sa bansa matapos makapagtala ng karagdagang 2,261 cases ngayong hapon.   Sumabit na riyan ang tally ng Department of Health (DOH) […]

  • Biden, pormal nang nanumpa bilang 46th US president

    Opisyal nang nanumpa bilang ika-46 pangulo ng Estados Unidos si Joe Biden.   Idinaos ang kanyang panunumpa sa US Capitol, na pinangasiwaan ni Supreme Court Chief Justice John Roberts. Sa kanya namang unang talumpati bilang US president, nanawagan si Biden na magkaroon ng bagong simula sa pulitika sa kanilang at pagtanggi sa aniya’y pagmanipula sa […]

  • Team Philippines palaban sa 2023 SEAG

    DAHIL  hindi inaasahang la­laban ang host Cambodia para sa overall crown ay ma­giging labu-labo ang 32nd Southeast Asian Games sa Mayo ng 2023.     Kumpiyansa si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na makikipag-agawan sa overall title ang mga Pinoy athletes.     Ito ay makaraang tuma­pos sa fourth place ang Team […]