• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Austria patok kay Cone sa Coach of the Year

GIRIAN sina Leovino Austria at Earl Timothy Cone para sa 2019 Virgilio ‘Baby’ Dalupan Coach of the Year award sa 26th Annual Awards Night ng PBA Press Corps 2020 sa Marso 16 sa Novotel Manila sa Araneta Center, Quezon City.

 

May tigatlong CotY award na sina Cone noong 1994, ’96, 2014, at Austria (2015, ’16, ’17). Sa tatlong deretsong taong tuhog ni Austria, siya ang unang coach na pinagkalooban perpetual Dalupan trophy.

 

Sa nakalipas na taon, nirendahan niya ang San Miguel Beer sa panlimang sunod na titulo ng Philippine Cup bago sinikwat ang Commissioner’s.

 

Sumablay sa season sweep ng Beermen nang patalsikin ni Cone at ng Barangay Ginebra San Miguel sa Governors Cup bago nabawi ang kampeonato ng season-ending conference.

 

Bago umupo sa ng Governors Cup, tinrangkuhan muna ni Cone ang Gilas Pilipinas sa gold medal ng 30th Southeast Games PH 2019 noong Disyembre. Ang core ng Gin Kings ang tinapik ni Cone para sa national quintet.

 

Kikilalanin din ng mga sportswriter na regular na nagko-cover ng PBA ang Danilo Floro Executive of the Year.

 

Sa pangalawang sunod na taon, magkakaloob ang PBAPC ng President’s Award, kasama ang Defensive Player of the Year, Mr. Quality Minutes, All-Rookie Team at Order of Merit para sa may pinakamaraming Player of the Week citations.

 

Kasama rin sa honor roll list ang Scoring Champion, All-Interview Team, Game of the Season at D-League Finals MVP. (REC)

Other News
  • Ads January 5, 2023

  • Malakanyang, hinikayat ang incoming admin, samantalahin ang mga accomplishments ng Duterte administration

    HINIKAYAT ng Malakanyang ang incoming administration na samantalahin ang mga accomplishments ng Duterte administration na nakatulong upang maging progresibo at umunlad ang bansa.     Sinabi ni Cabinet Secretary Melvin Matibag, sa pangalawang araw ng Duterte Legacy Summit, na umaasa siya na ang “crucial” na polisiya at mga programa na sinimulan ni Pangulong Rodrigo Roa […]

  • LOVELY, pinagdarasal na magka-baby na agad sila ni BENJ; umaming nag-try na bago pa sila ikasal

    PINAGDARASAL ni Lovely Abella na magkaroon na sila agad ng baby ng mister niyang si Benj Manalo.      Kinasal lang sila noong nakaraang January at isa sa dahilan kung bakit nagpakasal na sila agad ay para makabuo na sila ng baby sa taong ito.     “As in, sana Lord, now na. Agad-agad! Kasi […]