• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Austria patok kay Cone sa Coach of the Year

GIRIAN sina Leovino Austria at Earl Timothy Cone para sa 2019 Virgilio ‘Baby’ Dalupan Coach of the Year award sa 26th Annual Awards Night ng PBA Press Corps 2020 sa Marso 16 sa Novotel Manila sa Araneta Center, Quezon City.

 

May tigatlong CotY award na sina Cone noong 1994, ’96, 2014, at Austria (2015, ’16, ’17). Sa tatlong deretsong taong tuhog ni Austria, siya ang unang coach na pinagkalooban perpetual Dalupan trophy.

 

Sa nakalipas na taon, nirendahan niya ang San Miguel Beer sa panlimang sunod na titulo ng Philippine Cup bago sinikwat ang Commissioner’s.

 

Sumablay sa season sweep ng Beermen nang patalsikin ni Cone at ng Barangay Ginebra San Miguel sa Governors Cup bago nabawi ang kampeonato ng season-ending conference.

 

Bago umupo sa ng Governors Cup, tinrangkuhan muna ni Cone ang Gilas Pilipinas sa gold medal ng 30th Southeast Games PH 2019 noong Disyembre. Ang core ng Gin Kings ang tinapik ni Cone para sa national quintet.

 

Kikilalanin din ng mga sportswriter na regular na nagko-cover ng PBA ang Danilo Floro Executive of the Year.

 

Sa pangalawang sunod na taon, magkakaloob ang PBAPC ng President’s Award, kasama ang Defensive Player of the Year, Mr. Quality Minutes, All-Rookie Team at Order of Merit para sa may pinakamaraming Player of the Week citations.

 

Kasama rin sa honor roll list ang Scoring Champion, All-Interview Team, Game of the Season at D-League Finals MVP. (REC)

Other News
  • 61 maritime school pasaway sa STCW, ipapadlak ng MARINA

    NASA 61 mula sa 91 maritime school sa bansa ang nakatakdang ipasara ng Maritime Industry Authority (MARINA) dahil hindi pag-comply sa standards ng International Convention on Standards of Training, Certification and Watch keeping for Seafarers (STCW), na sumasaklaw sa maritime education, training at certification.   Ito ang sinabi ni MARINA-OI Administrator Narciso Vingson sa congressional […]

  • COVID cases sa Pinas papalo sa kalahating milyon ngayong 2020 – UP experts

    Posibleng pumalo sa 585,000 ang kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 batay sa taya ng University of the Philippines (UP).   Ito ay makaraang palawigin ng UP COVID-19 Pandemic Response Team ang kanilang projection hanggang sa Dec. 31 ngayong taon.   Maaaring bumaba sa 402,000 ang detected cases ngunit posible rin pumalo sa 767,000. […]

  • Mga neophyte senators, hinimok ni Drilon na mag-aral at humingi ng payo sa mga eksperto

    HINIMOK ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang mga bagong senador na dapat mag-aral ng mabuti at humingi ng payo sa mga eksperto.     Aniya, ang pagkahalal ay hindi ginagawang senador.     Dapat aniyang makuha ang respeto ng iyong mga kasamahan una, ang publiko pangalawa.     Kaya naman, walang masama sa pag-aaral […]