• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Award-winning novel ni Marivi Soliven: SHARON, kumpirmado nang bibida sa Hollywood movie adaptation ng ‘The Mango Bride’

KUMPIRMADO na ngang magli-lead si Megastar Sharon Cuneta sa Hollywood movie adaptation ng award-winning novel ni Marivi Soliven na The Mango Bride.

 

 

Sa Instagram account ng Megastar pinost niya ang screen shot ng article na nilabas ng Variety.

 

 

Caption ni Sharon, “SURPRISE! Hollywood, here come the PINOYS!!” kasama ang mga  emojis.

 

 

Sa pagpapatuloy niya, “Please pray for this project to succeed. My prayer is that it is able to open doors for ALL OF US in the industry – FINALLY!”

 

 

Kalakip ng post ang link kung saan mababasa ang article: https://variety.com/2022/film/news/sharon-cuneta-the-mango-bride-adaptation-marivi-soliven-1235186783/

 

 

Naka-tag naman sa IG post ang kanyang pamilya, mga malalapit na celebrity friends, mga taga-FPJ Ang Probinsyano at iba marami pang iba: @frankiepangilinan @mielpangilinan @kiko.pangilinan @bethtamayo21 @annitazo @lorrainerecto @paolorecto @justinenicole___ @egan_aileen @garyvalenciano @john__estrada @mdemesa24 @michaeljohnflores @jay_gonzaga @macherieamour @jhett_tolentino @gabpangilinan @jnpangilinan @detailsink @isabelvsandoval @malusevilla @officialjuday @reginevalcasid @ogiealcasid @popsfernandezofficial @zsazsapadilla @msaiaidelasalas @montesjulia08 @cocomartin_ph @biboy_arboleda_ @deo_endrinal @malousantos03 @imangelaquino @therealangellocsin @iamangelicap @viva_ent @viva_films @draivee @drzteo @deleonphoto @jeff.g.l @_tessalapradez @jokoy

 

 

Idi-direk ito ng Filipino-Canadian na si Martin Edralin, ang movie ay iikot sa buhay ng  dalawang Filipino women na sina Amparo, na isang socialite na ipinanganak sa wealthy family, at si Beverly, na isang mail-order bride.    Magma-migrate sila sa California na madi-discover ang hidden truths as their stories meet and intertwine.

 

 

Si Rae Red (“The Woman and the Gun”) ang magsusulat ng screenplay na base sa award-winning novel na na-publish noong 2013 sa English ng Penguin Random House, sa Filipino (translated by Danton Remoto) ng National Book Store at noong 2014 sa Spanish ng Grupo Planeta na may titulong Hace una eternidad, en Manila. 

 

 

Nagwagi ang The Mango Bride ng highest literary prize sa bansa, ang Grand Prize ng Carlos Palanca Memorial Awards.

 

 

Magsisimula ang production ng pelikula bago matapos ang 2022.

 

 

Sa naging pahayag ni Sharon sa Variety, “I wanted to do ‘The Mango Bride’ because it’s the best way to connect to a global audience by putting some of the best Filipino talents and stories together to tell an emotional and uplifting story like this.”

 

 

Pag-amin pa ni Mega, “I have long been a fan of Marivi Soliven’s writing, from ‘Suddenly Stateside,’ her collection of light essays about living in the U.S., to ‘The Mango Bride.’ She captures the Filipino migrant and Filipino American experience skilfully.

 

 

Congratulations and goodluck Sharon!

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Kaya may sagot at pakiusap sa bashers: PIA, tinawag na ‘trying hard and copycat’ ni HEART

    SINAGOT na ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang mga natatanggap niyang bashing mula sa netizens simula nung uma-attend siya ng mga fashion events abroad.   On Instagram, kunsaan nag-share ng reel si Pia sa pagrampa niya sa Paris Fashion Week, sinagot niya sa comment section ang ilang pang-ookray sa kanya.   Ilan sa nakuha […]

  • AIKO at MARTIN, nagkaroon ng reunion sa 14th birthday ng kanilang anak na si MARTHENA

    NAGULAT ang marami sa biglang pagpanaw ng veteran actor na si Orestes Ojeda sa edad na 65.     Pancreatic cancer ang naging sakit ng aktor at pumanaw siya noong Martes, 4:13 PM sa isang ospital sa Taguig City.     Ang anak ni Ojeda na si Lois Nicole Pagalilauan ang nagkumpirma sa nangyari sa […]

  • First time na mag-e-endorse ng underwear brand: JOSEPH, diet muna ngayong Pasko at Bagong Taon para sa sexy photo shot

    FIRST time na mag-e-endorse ang Kapamilya hunk actor na si Joseph Marco ng kilala at sikat na underwear brand na Hanford na itinatag pa noong 1954 na matagal nang pinagkakatiwalaan ng mga Pinoy sa mga nakaraang henerasyon.   Aminado si Joseph na matagal na niyang dream na magkaroon ng underwear endorsement at makita ang sarili […]