Ayo, Miguel wanted sa IATF
- Published on August 29, 2020
- by @peoplesbalita
KAILANGANG mkipagkita na sina coaches Aldin Ayo ng University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers at Norman Miguel ng National University (NU) Lady Bulldogs o kanilang kinatawan sa Martes, Setyembre 1 sa Inter-Agency Task Force (IATF) o government panel inquiry team para sa quarantine violation ng kanilang koponan.
Kumalat sa social media ang training bubble ng España-based men’s basketball team sa Sorsogon nitong Hunyo-Agosto kasabay sa away ni Ayo at dating team skipper Crispin John Cansino.
Nabisto rin sa socmed ang training camp ngBustillos-base women’s volleyball team saisang sangay ng campus sa Laguna sa kabila na may COVID-19 pa.
Sa ilalim ng batas, hindi pa maaring ang dalawang kasapi ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na mag-ensayo,. Tanging ang professional sports na basketball at football pa lang ang pinayagang makabalik nitong August 25.
Ang komposisyon ng probe panel ay ang Philippine Sports Commission (PSC), Department of Health (DOH), Games and Amusements Board (GAB) at Commission on Higher Education (CHED). (REC)
-
“The time to invest in the Province of Bulacan is now” – Fernando
CITY OF MALOLOS – “With all the major development plans and business opportunities in our province, I can also proudly say that the time to invest in the province of Bulacan is now. Let’s join hands in making Bulacan the center of economic development in our country.” This was the message of Bulacan […]
-
DURA-DURA GANG ARESTADO
INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang apat na hinihinalang miyembro ng Dura-Dura Gang nang dakpin ng mga pulis matapos na mambiktima ng mga pasahero ng isang pampublikong bus. Ang mga naaresto ay sina Jayson Labanin, 26, ng Maganda Street, Sampaloc, Maynila; Mark Bactol, 30, ng V. Mapa St., Sta. Mesa, Maynila; […]
-
SRA ng healthcare workers naipamigay na
Iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III na naipamahagi na nila ang ‘special risk allowances (SRA)’ ng batches 3 at 4 ng mga healthcare workers sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sinabi ni Duque na aabot sa P617.2 milyon ang kabuuang halaga ng SRA na kanilang naipamahagi sa kabuuang 48,226 HCWs nitong Oktubre […]