Ayonayon hahalilipara kay Fonacier
- Published on October 2, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI makakapaglaro ang beteranong si Larry Fonacier ng NLEX Road Warriors sa 45 th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 eliminations bubble sa Clark Freeport sa Angeles, Pampanga sa Oktubre 11.
Ayos lang kay Joseller (Yeng) Guiao dahil may kayang rumelyebo sa puwesto ni Fonacier ang may ibubuga kahit bagito pa lang na si Mike Ayonayon.
Sinabi kahapon ng 61-anyos na multi-titled bench tactician, na yakang-yaka punan ng dating Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Finals MVP ang puwesto ng dating Gilas player na si Fonacier.
“Marami kaming players,” anang North Luzon Expressway coach. “Pero ang kukuha ng slot niya [Fonacier] si Ayonayon.”
Maski uhugan pa lang, kumpiyansa si Guiao sa kakayahan at maiaambag ni Ayonayon na nagkaroon nang mahalagang pappel nang magkampeon ang San Juan Knights sa Knights. (REC)
-
PDU30, ibinahagi sa ASEAN na masyado nang bugbog ang Pilipinas sa kalamidad dahil sa climate change…
MARIING Iginiit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang pagkakaisa para matugunan ang peligrong idinudulot ng mga kalamidad bunga na rin ng climate change. Sinabi ng Pangulo sa Plenary Session hinggil sa isinagawang 37th ASEAN Summit, na masyado nang bugbog ang Pilipinas sa sunud- sunod na mga delubyong […]
-
1-M pang Sinovac vaccine doses, dumating sa Phl
Karadagang 1 million doses ng Sinovac COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccine ang dumating sa Pilipinas bandang alas-7:35 kahapon ng umaga. Ang bagong batch ng Sinovac vaccine ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City lulan ng Cebu Pacific Flight 5J 671. Sinalubong ito ng vaccine czar na […]
-
Higit 100,000 staff ide-deploy sa census nationwide
Inaanyayahan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang publiko na makiisa sa 2020 Census of Population and Housing na gagawin sa darating na Setyembre 2020. Sa launching ng 2020 census, binigyan diin ni PSA undersecretary at National Statistician Dennis Mapa ang kahalagahan ng naturang hakbang na pinaglaanan ng P3.8 billion na pondo. Iginiit ni […]