• November 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ayos lang sa asawang si David: GLAIZA, aminadong nakatutok ngayon sa kanyang showbiz career

AYOS lang raw sa mister niyang si David Rainey kung sa ngayon ay sa kanyang showbiz career muna nakatutok si Glaiza de Castro.

 

 

Lahad ni Glaiza, “Eversince naman po nandun siya sa kung ano yung schedule ko kasi very flexible naman yung schedule niya.

 

 

“Although ang masaya po dun tinutulungan niya ako na mas mapagaan yung schedule ko, yung hindi niya ako binibigyan ng pressure to, parang, may deadline, walang deadline sa kanya.

 

 

“So okay lang naman.”

 

 

Napaka-busy ni Glaiza bilang co-owner ng kumpanyang Wide International.

 

 

“Kaka-release lang ng Slay Zone, isa sa mga bago naming ilo-launch ay pelikula, under Wide International. Pero bukod po dun meron po tayong ilo-launch na mga restaurants, mga resorts at marami pang iba.

 

 

“Excited po ako kasi first quarter pa lang ng 2024 ang dami na kaagad pasabog ng Wide International.

 

 

“And I’m so happy to be working with Ken Chan at ngayon nadadagdagan pa so, ang saya kasi parang hindi siya work, para kaming nagkita-kita lang magkakaibigan tapos nagkataon na may trabaho.”

 

 

Tila mahirap ang pinasok nila dahil ang Wide International ay hindi lamang nga sa film production kundi pati na rin iba-ibang klase ng negosyo ay sakop nito tulad ng restaurant business at beauty products.

 

 

Lahad ni Glaiza, “Opo kaya talagang ano, marami kami,” at natawa si Glaiza. “Marami kami na naka-assign sa kanya-kanyang projects ngayon kasi like katulad nung restaurants, it’s Ken Chan’s ano talaga, forte, idea, baby niya yan.”

 

 

May mga non-showbiz na kasosyo nila na may kanya-kanya ring expertise na hawak sa Wide International.

 

 

“And then ako naman ang contribution ko is sa entertainment, sa films, sa creatives, ganyan, so excited ako kasi mailalabas ko yung mga gusto kong gawin.

 

 

“And ayun na nga po, thru Slay Zone, nagawa ko siya, nasimulan ko siya.”

 

 

Busy rin si Glaiza sa ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre’ at ‘Running Man Philippines Season 2.’

 

 

***

 

 

WALA raw problema kay Hajji Alejandro kung kinakanta ang mga hit songs niya sa mga singing competitions.

 

 

“Napakalaking ano nun e, parang napakalaking compliment, it’s like telling you that you’ve done something really good, something right, no?

 

 

“Na naka-contribute ka dito sa industriya na ‘to, lalo na… para bang naalaala ko yung first time na narinig ko yung first single ko e, first single ko kasi Tag-Araw, Tag-Ulan, side A, tapos Panakip Butas naman side B, I remembered the first time narinig ko yung Tag-Araw, Tag-Ulan sa radio, natapos kong i-record tapos several weeks later pinatugtog sa radio, talagang nagda-drive ako umiiyak ako talaga, yung feeling na talagang ang sarap, from inside nararamdaman mo, ganun din ang nararamdaman ko pag kinakanta ng ibang tao yung mga awitiin ko.

 

 

“Si Rachel ni-revive dalawa dun sa mga hit songs ko before and made it again into another hit, yung Nakapagtataka, kakantahin namin yan as a duet dito sa concert.”

 

 

Magkasama ang mag-amang Hajji at Rachel Alejandro sa ‘Awit Ng Panahon: Noon At Ngayon’ musical concert sa April 21, Sunday, 8pm sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.

 

 

Mula sa Pro-Entertainment Production, ang organizer at producer ng concert ay si Spike Bermudez, sa direksyon ni Ferdi Aguas.

(ROMMEL L. GONZALES) 
Other News
  • Magna Carta for Pinoy Seafarers, batas na

    Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. angSenate Bill No. 2221 at House Bill No. 7325 o Magna Carta for Filipino Seafarers.     Sa ceremonial signing na pinangunahan ng Pangulo sa Malakanyang, sinabi nito ang kahalagahan ng bagong batas na naglalayong ipaglaban ang karapatan at pagpapahalaga sa mga seafarers na nagtatrabaho at nagsasakripisyo […]

  • Paglikha ng mga bagong Korte, ikinagalak ng SC

    IKINAGALAK ng Korte Suprema ang paglikha ng mga bagong dagdag na 60 Korte sa iba’t ibang lugar sa bansa.     Ayon sa SC, ang paglikha ng mga bagong Korte ay matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Republic Act 12044 hanggang Republic Act 12054.     Sinabi rin ng SC na mapapabilis nito […]

  • Mami vendor sinisi pa: ‘Safety tips’ sa publiko, ibinida ng holdaper

    “‘PRE pasensya kana, kinausap naman kita ng matino eh, ‘di mo kasi ibinigay…hindi sana mangyayari yun, ayaw mo kasi maniwala sakin eh.. kala mo nagbibiro ako.”   Ito ang mensahe ng suspek sa kanyang biktimang “pares mami” vendor matapos na masakote sa isinagawang follow up operation ng Manila Police District PS 5 kagabi sa Baseco, […]