• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ayuda imbes na fare hike sa PUVs, isinusulong ng LTFRB

Binabalangkas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga programang magbibigay tulong, suporta at ayuda sa mga driver at operator ng mga pampasaherong sasakyan sa bansa.

 

 

Tugon ito ng ahensiya sa petisyon ng transport group na magtaas ng P3 sa minimum na pasahe sa passenger jeepney  dulot nang serye ng oil price hike .

 

 

Sumulat na umano ang LTFRB sa Department of Energy upang pag-aralan ang uniform fuel subsidy ng mga pampublikong sasakyan sa lahat ng gasoline stations sa buong bansa.

 

 

Inerekomenda rin ng ahensiya sa IATF na dagdagan ang umiiral na 50 percent passenger capacity sa mga pampublikong sasakyan kasunod ng pagluluwag sa quarantine restrictions sa Metro Manila.

 

 

Ayon sa LTFRB,  maghahanap ng alternatibo ang gobyerno upang tugunan ang request ng transport group na hindi maaapektuhan ang mga commuters.

 

 

Una nang sinopla ng DOTr ang P3 fare increase petition ng transport groups dahil sa mas maraming maaapektuhang mamamayan kung aaprubahan ito ng ahensiya. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Di big deal kay SHARON, nag-post pa sa IG niya: MARICEL, dapat irespeto sa ‘di pag-endorso kay Sen. KIKO bilang VP

    PINAG-UUSAPAN pa rin hindi pag-endorso ng Diamond Star na si Maricel Soriano kay Senator Kiko Pangilinan na ka-tandem ni VP Leni Robredo     Isa nga si Maricel sa big stars na dumalo si sa NCR grand rally nina VP Leni at Senator Kiko na ginanap sa Diokno Boulevard, Pasay City, noong Sabado, April 23, […]

  • ALDEN, may big announcement sa birthday niya na mas matindi kaysa concert na ikina-excite ng fans

    MINABUTI na lamang sagutin ni bagong Kapuso actress Bea Alonzo ang mga issues tungkol sa paglipat niya sa GMA Network.      May mga nagtampo nga raw kasi kay Bea nang iwanan niya ang isang project niya sa ABS-CBN, dahil sa paglipat niya ng network. May mga hindi ring magandang comments kay Bea ng mga dati raw […]

  • Abogado ng Distrito Congressman na Ngayon

    MASWERTE kung ituring ang residente ng ikatlong distrito sa lungsod ng Maynila makaraang magwagi bi­lang Congressman ni dating ­Majority Floor Leader at Councilor Atty. Joel Chua.     Kung pagbabatayan kasi ang kapabilidad, paglilingkod at malawak na kaalaman sa larangan ng serbisyo publiko, hindi matatawaran ang kakayahan ni Congressman Joel Chua kaya todo-suporta sa kanya […]