• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Azkals, handang-handa para sa AFF Suzuki Cup

Tiniyak ng Philippine Azkals na patuloy pa rin ang kanilang paghahanda para sa 2020 AFF Suzuki Cup.

Ito ang pagtitiyak ni Azkals team manager Dan Palami kahit na aminado itong naapektuhan sila sa coronavirus pandemic.

Sinabi nito na base sa kaniyang pakikipag-usap sa mga manlalaro ay nakatuon pa rin sa isip nila ang manalo sa kumpetisyon.

Ilan lamang sa naging problema nila ay ang kakulangan ng mga lugar ng pag-eensayo dahil sa paghihigpit na ipinatupad ng gobyerno.

Umaasa rin sila na payagan na sila ng gobyerno na makapagsanay agad para sa paghahanda sa Suzuki Cup na gaganpin mula Nobyembre 23 hanggang Disyembre 31.

Hindi rin aniya napuputol ang pakikpag-ugnayan ng kanilang coach na si Scott Cooper sa mga manlalaro gamit ang makabagong teknolohiya ay nakakausap niya ang mga ito halos araw-araw.

Magugunitang itinakda sa Agosto ang draw ng Suzuki Cup sa Vietnam.

Other News
  • Mga empleyado ng NAIA kukunin ng Megawide sa kanilang take-over bid

    Hindi mawawalan ng trabaho ang libong empleyado ng Ninoy Aquino International Airport kung magkaron ng take over ang isang private consortium na siyang maaring kunin ng pamahalaan para sa rehabilitation project nito.   Sinabi ng Megawide Construction Corp. na kanilang kukunin ang mga empleyado ng NAIA kung kanilang makukuha ang kontrata para sa rehabilitation ng […]

  • Kababaihan sa Afghanistan nagprotesta para mabuksan na ang mga paaralan

    NAGSAGAWA ng kilos protesta ang ilang kababaihan sa harap ng Ministry of Education sa Afghanistan.     Nananawagan ang mga ito sa muling pagbubukas ng secondary schools para sa mga kababaihan.     Umani kasi ng batikos ang biglang pagbawi ng Taliban sa muling pagbubukas ng mga paaralan para sa mga kababaihan.     Sinabi […]

  • LTO: Naghahanda na sa single ticketing system sa 2023

    NAGHAHANDA na ang Land Transportation Office (LTO) sa pagpapatupad ng implementasyon ng single ticketing system sa Metro Manila sa unang third quarter ng susunod na taon.     Ito ang sinabini assistant secretary Arturo Jay Tugade matapos gawin ang isang draft ng memorandum circular kung saan kanyang kukunsultahin ang mga iba’t ibang ahensya ng pamahalaan […]