Azkals star James Younghusband, inanunsyo ang pagreretiro sa football
- Published on June 26, 2020
- by @peoplesbalita
Pormal nang nagretiro sa paglalaro ng football si Philippine Azkals star James Younghusband.
Anunsyo ito ni Younghusband sa social media, pitong buwan makaraang tuldukan na rin ng kanyang nakababatang kapatid na si Phil ang kanyang karera sa football.
Sa kanyang social media post, todo pasalamat ang 33-anyos na si Younghusband sa lahat ng naging bahagi ng kanyang professional career.
“Time to say goodbye,” saad ni Younghusband. “Thank you for the amazing memories. I have loved playing this game. Thank you to my family, bosses, managers, coaches, team mates, opponents and all my supporters who have been part of my professional career.”
Matatandaang nagsimula ang 14-taong karera sa Pilipinas ni James nang lumahok ito at ang kanyang kapatid sa U-23 national team para sa 2005 Southeast Asian Games.
Naging bahagi rin si James ng Azkals at ang muling pag-usbong ng football sa bansa noong kampanya ng Pinoy team sa 2010 AFF Suzuki Cup.
“I feel lucky to have experienced wonderful memories and thankful for every moment of my time with my clubs and country,” dagdag nito.
-
3 NAIA employees sibak sa ‘tanim-bala’
SINIBAK na sa trabaho ng Department of Transportation (DOTr) ang tatlong empleyado ng Office of Transportation Security (OTS) na sangkot sa insidente ng umano’y ‘tanim-bala’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa mag-iinang patungo ng Vietnam. Mismong si DOTr Secretary Vince Dizon ang nag-utos ng terminasyon ng tatlong empleyado gayundin ang pagsasampa ng kaso laban sa kanila. […]
-
Walastik si Super Sonic
BINALANDRA ni Super Sonic ang taglay na tulin sa huling 50 metro upang pamayagpagan ang kahaharurot na Condition Race (16) sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite. Tinutukan ng Presidential Gold Cup winner na SS sa pagrenda ni former Philippine Sportswriter Association (PSA) Jockey of the Year Jessie Guce ang pumailanlang kaagad […]
-
Bulacan nagbigay ng oryentasyon sa RA 10821 at basic sign language sa mga kawani at child development workers
LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng obserbasyon ng National Disaster Resilience Month (NDRM) at National Disability Prevent and Rehabilitation (NDPR) Week, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare Development Office ng “Orientation on RA 10821 at Basic Sign Language” para sa mga empleyado, mga social worker at child development workers […]