• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walastik si Super Sonic

BINALANDRA ni Super Sonic ang taglay na tulin sa huling 50 metro upang pamayagpagan ang kahaharurot na Condition Race (16) sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

 

 

Tinutukan ng Presidential Gold Cup winner na SS sa pagrenda ni former Philippine Sportswriter Association (PSA) Jockey of the Year Jessie Guce ang pumailanlang kaagad na si Four Strong Wind, habang bumubuntot sa pangatlong puwesto si Magtotobetsky.

 

 

Pagdating ng home turn lumamang si FSW ng isang kabayo kaya nagpanik ang mga mananaya. Pero nakipagpukpukan si SS at nakalamang ng kalahating kabayo pagdating sa meta.

 

 

Naorasan ang winning horse ng 1:28.6 sa 1,400meter race na hatid ng Philippine Racing Commission  (Philracom). (REC)

Other News
  • Pagkalat ng ‘mutated’ COVID-19, pinipigil na ng DOH

    Nagsasagawa na ngayon ng aksyon ang Department of Health (DOH) sa Central Visayas para mapigilan  at hindi na kumalat ang natuklasang dalawang ‘mutated’ na COVID-19.     “The DOH recognizes the potential public health implications of these reported mutations in samples from Region 7. The Center for Health Development (CHD) in Central Visayas has initiated […]

  • 460,000 Overseas Filipino, napauwi na ng DFA dahil sa Covid-19 simula 2020

    MAHIGIT 460,000 Overseas Filipino ang napauwi na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Pilipinas.     Ang mga pinauwing OFWs ay mula sa iba’t ibang bansa. Nagsimula ang Pilipinas na ibalik ang mga distressed Filipino simula noong 2020.     Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola, pumalo na […]

  • Malaysia, nag-alok ng pagsasanay na may kinalaman sa Halal industry, Islamic banking

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagpahayag ng intensyon ang Malaysian authorities na sanayin ang kanilang Filipino counterparts sa pagpapatakbo ng Halal industry at Islamic banking.     “Building on our bilateral relations, our governments commit to closely coordinate efforts to build capacity in the Bangsamoro Autonomous Region in southern Philippines, in Muslim Mindanao, […]