• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Babae binastos ng manyak, nilamas ang dibdib sa bus

Pinatunayan ng video na kuha ng isang netizen na kahit anong suot ng isang babae ay hindi ito ligtas sa mga manyak na naglipana sa mga public vehicle.

 

Sa tweet ni @tabanats, ipinakita nito ang panghihipo ng isang lalaking nakatabi niya sa bus habang binabagtas ang kalsada sa Pala-Pala, Dasmariñas, Cavite.

 

Papunta ng Tagaytay ang babae nang biglang tumabi sa kanya ang isang lalaki kahit maluwag ang mga upuan sa likuran.

 

Dito na niya naramdaman na sinasanggi ng manyak ang kanyang kaliwang dibdib, na pilit iniwasan ng babae, ngunit hindi rin nagpapigil ang lalaki na hinawakan na ang dibdib nito.

 

Kaya naman niya ito binidyuhan at pinakita sa konduktor na sasapakin na sana ang manyak ngunit napigilan.
“…so dun nagsisigaw na ako and pinahiya ko na siya sa bus with my cracky voice. Pinanood ko sa konduktor yung video,, at ayun muntikan na siyang bugbugin nung konduktor at nung mga lalaki don sa loob, pero napigilan,” ayon sa biktima.

 

Dinala ang babae kasama ang manyak sa police station sa Dasmariñas, at habang nasa mobile ay nagmamakaawa ang lalaki dahil may anak daw ito na may sakit at hindi siya pwedeng makulong.

 

“VINERIFY DIN NAMIN KUNG MAY SAKIT BA TALAGA ANAK NIYA AND YES MERON NGA. Tinanong ako nung pulis kung ano gusto kong mangyari sabi ko wag na ikulong, ipa-blotter nalang,” saad pa ng netizen.
Hindi naman matanggap ng biktima kung papaano siya tingnan ng asawa ng manyak na tila siya pa umano ang may nagawa na mali.

Other News
  • COVID TELEMEDICINE INILUNSAD SA KYUSI

    INILUNSAD ng Quezon City government ang kauna- unahang COVID-focused Telemedicine.   Sinabi ni  QC Mayor Joy Belmonte  na naisagawa ang proyekto sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH).   Nasa 15 na laptop at desktop ang ibinigay ng DOH  upang magamit sa HOPE Facilities at health centers.   Sa pamamagitan nito, mababawasan nang magkaroon ng direct contact ang […]

  • Para matugunan ang malnutrition at pagkabansot sa mga batang pinoy: PBBM sa DoH: Itulak ang healthier food options

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Health (DOH) na itulak ang ‘healthier food options’ upang matugunan ang malnutrition at pagka-bansot sa mga Filipino.       Sa katunayan, nakipagpulong ang Pangulo sa mga DOH Executive at iba pang opisyal kaugnay sa alalahanin ng departamento sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng martes.   […]

  • AGA at NADINE, muling masusubukan ang lakas sa takilya

    SI Nadine Lustre ang naging bida sa ‘Deleter’, na naging topgrosser ng MMFF 2022.   Ang nasabing pelikula pa rin ang humakot ng awards kasama na ang Best Actress award ni Nadine.   Matatandaang si Aga Muhlach naman ang bida sa ‘Miracle in Cell No. 7’, na naging topgrosser ng MMFF 2019.   Ngayong paparating […]