• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID TELEMEDICINE INILUNSAD SA KYUSI

INILUNSAD ng Quezon City government ang kauna- unahang COVID-focused Telemedicine.

 

Sinabi ni  QC Mayor Joy Belmonte  na naisagawa ang proyekto sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH).

 

Nasa 15 na laptop at desktop ang ibinigay ng DOH  upang magamit sa HOPE Facilities at health centers.

 

Sa pamamagitan nito, mababawasan nang magkaroon ng direct contact ang mga pasyenteng apektado ng COVID-19 at mga doctor. Sa datos ng QC Epidemiology and Surveillance Unit and District Health Offices nasa  10, 736 na ang kaso ng COVID19 sa lungsod, kung saan 332 ang bagong mga kaso.

 

Nasa 701 naman nag mga bagong naka recover mula sa naturang virus. Habang 416 na ang naiatalang nasawi dahil sa COVID19. (RONALDO QUINIO)

Other News
  • Museum na makikita ang Leni-Kiko campaign memorabilia binuksan sa publiko

    PINANGUNAHAN  ni dating Vice President at tumatayong Angat Buhay Chairperson Atty. Leni Robredo ang pagbububukas ng Museo ng Pag-Asa sa Quezon City.     Nakapaloob sa museum ang mga memorabilia sa kanyang 2022 campaign kasama ang running-mate na si dating senator Kiko Pangilinan.     Makikita rin sa loob ng museum, ang Angat Buhay office, […]

  • Leviste pinupuntirya ang Olympics at SEA Games

    SOBRANG pahirap man, pero masunurin pa rin sa safety guidelines at health protocol ng Inter-Agency Task Force ang equestriane star na si Marie Antoinette ‘Toni’ Leviste at kanyang kabayo sa mga pagsasanay at paghahanda sa planong dalawang ng kompetisyon sa susunod na taon.   Ito ang 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo Japan sa […]

  • Highlights video ng ‘Nagbabagang Luha’, milyun-milyon na ang views; CLAIRE, patuloy na kinaiinisan ng netizens

    UMANI nang mahigit one million views ang highlights video ng October 2, 2021 episode ng GMA afternoon drama na Nagbabagang Luha sa loob lamang ng isang araw.     Sa ngayon, mayroon ng 2.4 million views ang highlights video na naka-upload sa official Facebook page ng GMA.     Ang nasabing highlights video ay nagpapakita […]